top of page
Search
BULGAR

Top Tourist Attraction in the Philippines

ni Mabel G. Vieron @Life & Style | June 20, 2023





Ang Pilipinas ay isa sa pinakamaraming magagandang lugar at tanawin na kung saan maaari mo itong puntahan kasama ang iyong mga pamilya, barkada, at mga minamahal.


Marami ring mga turista ang pumupunta sa iba’t ibang sulok nito upang bisitahin ang mga naggagandahang tanawin.

NAIS MO NA RIN BA ITONG MALAMAN, BESH? HALINA’T UMPISAHAN NA NATIN ITO.

1. HUNDRED ISLANDS. Ito ay matatagpuan sa Bgy. Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan. Ito ang kauna-unahang parke ng Pilipinas. Binubuo ito ng 124 pulo, pero 123 pulo lamang ang makikita. Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.

2. LUNETA PARK. Ito ay dating tinatawag na Bagumbayan, noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, rito sa lugar na ito binaril si Dr. José Rizal noong 1896. Matatagpuan ito sa Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa Ermita.

3. BORACAY. Ito ay matatagpuan sa timog ng Maynila at sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Kanlurang Visayas. Siyempre, hindi mawawala ang isa sa pinakasikat na tourist destination sa bansa. Bagama’t masyado nang crowded ang Boracay ay puwedeng-puwede ka pa rin mag-enjoy dito dahil sa Instagrammable ambiance ng white sand beach, crystal clear water, giant rock formations, atbp.


4. BANAUE RICE TERRACES. Ito ay matatagpuan sa probinsya ng Ifugao. Ginawa ito ng mga katutubong Pilipino upang sa kanilang pagsasaka. Sa ngayon patuloy pa rin ang pag-tatanim ng mga naninirahan dito.


5. BULKANG MAYON. Ito ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, Kilala bilang “perfect cone” dahil sa halos “symmetrical cone shape” nito. Ang bundok ay isang pambansang parke at isang protektadong landscape sa bansa na naiproklama bilang Mayon Volcano Natural Park noong taong 2000.


6. DADAK BEACH. Ito ay isa sa magandang beach and Resort sa Pilipinas, matatagpuan ito sa Dipolog Zamboanga.


7. SOHOTON CAVE. Ito ay isang kuweba na makikita sa Samar.


8. NAKED ISLAND. Ito ay matatagpuan sa Surigao, Del Norte, Mindanao, isa itong isla kung saan wala kang makikitang mga puno kundi malinaw na tubig at puting buhangin lamang. Ito ang pinakamagandang lugar upang lumangoy, ngunit inaasahan namang napakainit ng lugar dahil wala kang masisilungan. Kaya, besh huwag kalimutan magdala ng sunblock.


Panatilihing malinis ang ating mga tanawin at pook-pasyalan upang hindi masira ang magagandang tanawin ng ating bansa. So, beshie, ano pang hinihintay mo? Bulabugin na ang iyong mga kaibigan at love ones upang makulayan na ang idinrowing na summer getaway this 2023!


0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page