top of page
Search
BULGAR

Top Foreign Racers, susubok sa local athletes ng IRONMAN

ni MC @Sports | January 24, 2023



Engrande ang pagbabalik aksiyon ng Ironman 70.3 Davao sa Marso 26 na idaraos sa Azuela Cove dahil ito rin ang pagsabak ng mga professional triathletes sa mga pangunahing events ng triathlon season.

Inaasahang malalaking pangalan ang ibabandera ng IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc. sa upcoming event dahil nag-iisa itong pro-laced race na lalahukan ng mga top foreign endurance racers upang masubukan ang mga top local athletes sa kompetisyon ng 1.9k swim-90k bike-21k run distance race tungo sa championship course.

Nakaungos si Mauricio Mendez ng Mexico laban kay multi-titled Tim Reed ng Australia sa unang IM 70.3 race sa Davao noong 2018 habang hiniya rin ni Germany’s Markus Rolli ang isa pang Aussie legend na si Craig Alexander noong 2019.

Inaasahang iaangat ng IM 70.3 Davao ang ekonomiya ng siyudad at sektor ng turismo dahil magsisilbi itong qualifying race ng World Championship sa Finland sa Agosto.

Dapat sana ay idaraos ng Davao ang ikatlong IM 70.3 noong 2022 matapos ang 2 taon na pandemya pero hindi natuloy sa pangunahing siyudad ng Mindanao.


Humaba ang panahon ng organizers at hosts na makapaghanda nang husto para sa mas malaki at talent-laden race na may $30,000 na premyo sa winners ng men’s at women’s divisions.

We are thrilled and excited to be starting out the new triathlon season with a comeback race in one of the country’s top triathlon hubs,” ayon kay Princess Galura, general manager ng IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc., na sa pamamagitan ng world-class endurance race na ito ay pakay nilang ilagay ang Pilipinas sa world sports tourism map.

Dagdag din na event sa IM 70.3 Davao ay ang Girls’ Run sa March 24 at IronKids sa March 25.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page