ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 4, 2025
Na-trauma pala si Herlene Budol sa naging iskandalo nila ni Rob Gomez nang magtambal sa Magandang Dilag (MD). Ang mas masakit pa sa kanya, hindi raw siya ipinagtanggol ni Rob.
“Nagpa-doktor ako para ma-process ang nangyari. Nagpa-psyche (psychiatrist) ako para matanggap ko. Nagpatulong ako. Ang hirap mag-move on, pero nakapag-move on na ako,” sabi ni Herlene.
Dagdag pa niya, ang lalong ikinasama ng loob niya, hindi raw nagsalita si Rob at hinayaang paniwalaan ng tao ‘yung binanggit niyang ‘kainan’ isyu na talagang naging malaking isyu.
Naniniwala si Herlene na walang mangyayaring iskandalo sa Binibining Marikit (BM) kahit dalawa ang love interests niya. Kampante siya kina Tony Labrusca at Kevin Dasom kahit sabi pa rin nito, may laplapan siya sa dalawa.
Nadulas pa nga si Herlene at nasabing may naglabas ng dila sa isa sa dalawang leading men niya at dahil nag-react si Tony, siya ang sinabing naglabas ng dila.
Hindi yata naintindihan ng Afam na si Kevin ang ‘naglabas ng dila’, kaya hindi nag-react.
Sa tanong kung posible ba siyang ma-link sa mga leading men niya sa afternoon prime, nagbiro na naman ito ng “Walang kainan na magaganap.”
“Hindi maiwasan ‘yun, pero ayaw ko nang maulit ang ibinigay na trauma sa huli kong show. Ang bigat ng naramdaman ko at ‘di pa ako naipagtanggol,” patuloy ni Herlene.
Sa solo interview kay Herlene, inulit na hindi talaga nagsalita si Rob para linawin ang isyu at siya ang napasama. In fairness to her, never nitong binanggit ang pangalan ni Rob.
Masaya si Herlene dahil sa BM, natupad ang dream niyang makatrabaho si Pokwang.
“Sinabi ko lang sa kanya na sana, magkatrabaho kami, natupad na. Dream come true ito sa ‘kin at dream come true rin na makapunta ako sa Japan dahil may eksena kami roon. May budget ang series namin,” pagbibiro nito.
Anyway, kuwento ng cast, masaya sa taping at kahit karamihan sa kanila ay ngayon lang nagkatrabaho, mabilis silang nagkasundo. Food ang bonding nila courtesy of Pokwang and of course, ang paggawa ng TikTok at habang patuloy silang magte-taping, tuloy din ang bonding nila sa food at TikTok.
Iniintriga ang pelikulang Lisik: Origin Point (LOP) ng Domniel International Films Production. Gaya raw ito sa South Korean coming-of-age zombie apocalypse horror TV series na All Of Us Are Dead (AOUAD). Pati raw ang location ng TV series ng South Korea na sa school nangyari ang outbreak ng virus, ginaya rin ng pelikula.
Hindi apektado sa intrigang ito ang producer ng movie na si Dominic Orjalo at director na si John Renz Cahilig.
Sabi ng dalawa, kapag napanood ang kanilang pelikula, malalaman na hindi ginaya sa TV series ng South Korea ang movie nila.
Pakiusap nila, panoorin muna ang Lisik na February 19, 2025 ang playdate para kanilang maikumpara.
Hindi rin bothered si Direk Renz sa R-13 rating ng kanyang movie.
“I am happy with the rating. I was expecting ng R-18 rating, pero binigyan niya kami ng R-13, kaya masaya kami ng cast at ng producer namin,” sabi nito.
New talents na students ng school ng producer na si Dominic ang cast ng movie na nag-audition at pumasa. Sila’y sina Nika de Guzman, Grace Rosas Tayo at principal ng school na si Rosemarie Smith as the professor na nagsimula ng virus.
Tampok din si Jeremiah Allera at may special participation si Ramon Christopher.
Comments