ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 19, 2021
Isa sa mga tanong ni Wil Dasovich sa SuperHuman podcast interview niya kay Toni Gonzaga ay kung may plano bang tumakbo sa politics ang TV host-actress since nakagisnan na rin niya ang buhay-pulitika dahil dati nang naging public servant at konsehal ng kanilang bayan sa Taytay ang amang si Bonoy Gonzaga.
"I don't see myself in politics right now or anytime soon. But I don't wanna say... Never say never, ‘di ba?"
"But in my heart right now, I don't feel like that is something that I should be doing. That's what I feel," sagot ni Toni kay Wil.
Dahil paparating na ang national elections sa susunod na taon at tiyak na gagamitin ng ilang pulitiko ang iba't ibang platform gaya ng ginagawa ng mga vloggers, naitanong din ni Wil kay Toni kung ie-entertain ba nitong kapanayamin ang mga tatakbong politicians sa kanyang YouTube channel na Toni Talks.
"This is where I stand. I don't categorize the people I interview. I look at all of them as people who have stories to share.
"No matter how bad the person is, no matter how good the person is, no matter how cancelled the person is in the society, every single person in this planet has a powerful story to tell. And no matter how bad their story is, we can always learn from that person," sagot ni Toni
Comments