ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 21, 2025
Unti-unti nang inire-reveal ni Tom Rodriguez ang kanyang baby boy.
Maaalalang una siyang nag-post sa kanyang baby, pero ang chubby arms lang nito ang kanyang ipinakita. Kasunod na post ni Tom ng photo nito, buo nga ang larawan, pero malayo naman. Kahit i-zoom pa nang todo ang picture, hindi pa rin maaaninag ang mukha ng baby. Bale ba, karga ang baby ng mom nito na hindi rin nakita ang mukha dahil malayo nga ang kuha at naging blurred ang larawan.
Itong latest na post ni Tom ng picture ng anak, whole body na sana, kaya lang, nakatalikod ang baby habang karga niya. Ang left ear lang nito ang buo na makikita. Ang mukha ni Tom ang nakaharap sa camera at kitang-kita ang saya nito habang karga ang baby.
Ang isang napansin ng mga netizens ay ang suot na ring ni Tom. Para raw wedding band ang suot nito at makikita ngang hindi lang basta singsing.
Nag-overthink ang mga netizens at feeling nila, kasal na si Tom sa mommy ng kanyang baby boy at kung totoo ang kanilang hinala, masaya sila for Tom at sa pamilyang binubuo nila ng kanyang partner.
Heto pa, tama kaya ang paniniwala ng mga netizens at fans na rin ni Tom na American o ‘di kaya’y Fil-Am ang kanyang partner? Dahil walang makasagot sa tanong na ito, nagre-request ang mga fans na magkaroon na ng face at name reveal ang dyowa ni Tom at ang kanilang baby.
Nakasulat pala sa caption ng post ni Tom ang: “Still in a thanksgiving mood...” at “Happy to be home #grateful.”
Aktor, matagal nang friend…
ALDEN, MAGPAPA-BLOCK SCREENING NG MOVIE NINA KIM AT PAULO
NAGKAPIRMAHAN pa lang ng kontrata sina Alden Richards at Mr. Gerry Santos ng Mr. Freeze Tube Ice Inc., gusto nang malaman ng mga fans ng aktor kung saan magpapatayo ng ice plant si Alden, para raw dito na sila mag-o-order ng ice.
Hindi pa man, suportado na ng mga fans ni Alden ang bagong negosyong pinasok nito na tamang-tama dahil summer ngayon.
Ipinost ni Mr. Santos ang photos ng pagkikita nila ni Alden at sa caption ng kanyang post, tinawag niyang “partner” ang Kapuso actor.
“I would like to welcome our new partner @aldenrichards02 to Mrfreeze Group of Companies. We have the same mission & vision in life. A mission of giving back & a vision of providing livelihood & job opportunities to the community.”
Totoo ito dahil kapag may planta ng yelo si Alden, marami siyang mabibigyan ng trabaho. Kaya, ngayon pa lang, gusto nang malaman ng mga fans kung saan magpapatayo ng ice plant si Alden.
Samantala, nagpasalamat si Kim Chiu kay Alden dahil magpapa-block screening ang aktor sa movie nina Kim at Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). In-announce ito ni Kim sa It’s Showtime (IS) kahapon, kaya pati KimPau fans (‘yung iba na hindi siya bina-bash), nagpasalamat din.
Matagal nang friends sina Alden at Paulo, noon pang nasa GMA si Paulo. Naging friend na rin ni Alden si Kim. Nakikita niya ito kapag nagdyi-gym dahil nahila ni Paulo na sa gym na pina-patronize nila ni Alden na rin mag-gym si Kim.
PRESENT pareho si Barbie Forteza at ang ex niyang si Jak Roberto sa Trade Launch ng GMA-7 at 75th anniversary na rin ng network na ginawa sa Makati Shang-ri La. Kaya lang, malamang, hindi nagkita ang ex-couple. Bukod sa malaki ang ballroom, kung saan ginawa ang event, marami pang tao.
Pero, sabi ng mga fans, bakit si Barbie, nakita at binati ng Korean actor at Sparkle GMA Artist talent na si Kim Ji Soo? Nagkakuwentuhan pa nga sila with matching hug.
Si Barbie, maraming photos na lumabas, pero si Jak, nalaman lang naming nasa event din dahil sa post ni Ai Ai delas Alas na kasama siya at iba pang Kapuso stars.
First time sana nilang magkita after ng kanilang breakup, hindi nga lang nangyari. Hindi naman siguro sila nag-iwasan, ‘no?
Si Barbie pala ang tumanggap ng Kapuso Heartthrob Award kasama si Alden. May iba pang award sa ibang Kapuso stars.
Comentarios