top of page
Search
BULGAR

Tom Hanks at Rita Wilson, opisyal nang Greek citizens

ni Lolet Abania | July 27, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Opisyal nang Greek citizens ang ang Hollywood stars na si Tom Hanks at wife nitong si Rita Wilson.


Sa isang larawan na ipinost sa socmed ng prime minister ng naturang bansa, proud na ipinakita ng couple ang kanilang brand new passports.


Last year, naging honorary Greek citizens ang mag-asawa at mga anak nila, matapos na makitaan ng mga officials si Tom ng pagtulong at pagbibigay kaalaman tungkol sa 2018 sunog na tumupok sa ilang lugar sa Athens at nag-iwan ng mahigit sa 100 na namatay.


"Tom Hanks is a person who showed real interest in the people who suffered from the fire in Mati and promoted this issue in the global media," pahayag ni Greek Interior Minister Takis Theodorikakos sa CNN.


Madalas na nagbabakasyon sina Rita na half-Greek at si Tom na isang Greek Orthodox convert, sa Greece, kung saan mayroon silang property sa isla ng Antiparos.


Gayundin, karamihan na na-produce ng couple na films ay based sa Greek community at pinagmamalaki nila ang kanilang paghanga sa naturang bansa at mga mamamayan nito.



"I've been Hellenic now for the better part of 32 years," sabi ni Hanks sa mga reporters sa ginanap na 2020 Golden Globe Awards. "Greece is a haven... I've been around the world, I've been to the most beautiful places in the world, none of them tops Greece."


"The land, the sky, the water, it's good for the soul, it's a healing place," sabi pa ni Hanks.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page