top of page
Search
BULGAR

Tokyo Olympics, matutuloy

ni Gerard Peter - @Sports | January 22, 2021




Patuloy na maitutulak ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang pagdaraos ng 2021 Tokyo Summer Olympic Games kahit pa man tumututol ang karamihan sa mamamayan nila sa pagdaros nito dahil sa paglobo ng mga kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa Japan.


Naniniwala si Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI) President Richard Lim na itutuloy ni Suga at ng organizers ang pagsasagawa ng Olimpiyada dahil naiintindihan nila ang mga atleta na nagnanais na muling makasabak sa kani-kanilang mga larangan.


I would say na medyo sport minded siya (Suga). He’s an athlete, a karate practitioner. So, I think he will really push for the Olympics,” pahayag ni Lim noong martes ng umaga sa PSA Forum webcast. “But then again, there are so many factors to consider, so we leave it up to them but I think for Japan, I think they will push it.”


Isang 3rd dan black belt ang 72-anyos na sports-politician, na kasalukuyang pinuno rin ng Liberal Democratic Party ng Japan, at mahigit 50-taon ng nagsasanay ng Karate, na isang susi para mas paboran nitong maganap ang Olympics ngayong taon, kung saan unang beses din sasalang ang Karate para samahan ang judo, taekwondo at wrestling na mga martial arts categories.


Wala naman umanong magbabago sa suportang ibinibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa lahat ng mga atleta at national sports associations (NSAs) matuloy man ang Olympics o hindi, dahil tanging ang Japanese organizers at International Olympic Committee (IOC) ang makakapagdesisyon sa magiging takbo ng pangyayari. “We can do what we control. Kapag ituloy o hindi, ‘di na control ng PSC yan. Hopefully matuloy. Japan have so many resources, doing their best na matuloy." wika ni National Training director Marc Velasco.


Ipinangako ng Japanese Prime Minister na masusupil nila ang paglaganap ng coronavirus outbreak, matapos minsan nang ipinagpaliban ang quadrennial meet noong 2020 at muling itulak ito sa Hulyo 23-Agosto 8. Ganito rin ang sabi ni IOC President Thomas Bach na nakakakita ng pag-asa sa dulo ng pandemya.


Gayunpaman, sa inilabas na media polls ng isang Japanese newspaper, may 80% ng mga Hapones ang nais na ikansela ang Olympic Games.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page