ni Mabel G. Vieron @Special Article | November 5, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_fac45c4cf95b42859829df238361a117~mv2.jpg/v1/fill/w_640,h_416,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_fac45c4cf95b42859829df238361a117~mv2.jpg)
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, marami sa atin ang nagtatanong kung kailan nga ba tayo aasenso? Gayung kahit ano’ng pagsisikap ang ating gawin ay wala pa rin tayong nararating at napapatunayan. Ito ang madalas na katanungan ng mga taong may trabaho at pinagkakakitaan ngunit ramdam na ramdam pa rin ang kakapusan ng pera.
Sa katunayan, ang pag-asenso ay hindi lamang tungkol sa kita o pera na ipinapasok natin. Anu-ano nga ba ang mga gastusin na dapat nating iwasan nang sa gayun ay hindi masaid ang ating wallet?
1.PAGGASTOS NG WALA SA BUDGET. Kapag wala tayong budget o hindi natin alam kung paano gagastusin nang maayos ang ating pera, sobrang bilis nitong mauubos. Isang malaking trap ang kawalan ng budget dahil once na hindi natin ito magawa ng tama, magkakagulo ang ating gastusin at ang masaklap na resulta, kakailanganin na nating mangutang na nagiging dahilan kung bakit mas nababaon tayong mga Pinoy.
2. PAGGASTOS NG WALANG EMERGENCY FUND. Iwasan nating gumastos nang gumastos kung wala naman tayong emergency fund. Siguraduhing maglaan muna ng sapat na halaga para rito. Oks?
3. PAGGASTOS PARA SA BISYO. Ang paggastos para sa bisyo ay pagtatapon ng pera. Walang magandang maidudulot ang bisyo kundi pansamantalang ‘saya’. Maging matalino sa bagay na pinaggagastusan, walang masama kung mag-chill minsan, pero ‘wag sanang dumating sa punto na may budget na para rito.
Sa panahon ngayon, sobrang halaga na maging wais tayo sa paggastos. Nawa’y maiwasan na natin ang mga bagay na magdadahilan sa atin para maglabas nang maglabas ng pera. Pero, ngayong nalaman natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng ekstrang pera, it’s time na para magkaroon ng pagbabago sa ating mga nakasanayan.
Kaya sa halip na gumastos sa mga bagay na hindi naman kailangan, dapat maging praktikal tayo.
Ngayong napapalapit na ang Pasko at Bagong Taon, oras na rin siguro para turuan ang mga bagets ng personal finance lessons at narito ang mga bagay na puwede nilang matutunan:
· MAG-SET NG PRIORITIES. Ilan lang sa atin ang may insurance coverage sa bansa at karamihan ay walang financial buffer para sa mga hindi inaasahang pangyayari. Kaya naman, mas oks na mag-set na tayo ng financial priorities habang maaga pa.
· INVEST NOW, SPEND LATER. Bukod sa pag-iipon, ang isa pang dapat ituro sa mga bagets ay ang pagkakaroon ng investment. Sa ganitong paraan, masisiguro mong sapat ang halaga ng pera na magagamit ng iyong anak para sa kanyang future.
· MAG-IPON. Habang bata pa, dapat nilang matutunan ang pagtatabi ng pera. Ang pag-iipon ng pera ay kailangan maging habit. ‘Ika nga nila, pay yourself first. Ito ang unang hakbang para makapag-build ka ng nest egg or wealth para sa iyong pamilya. Bukod pa ru’n, may peace of mind ka kung mayroon kang savings lalo na sa panahon ng emergencies.
· MAGKAROON NG SAVINGS GOAL. ‘Ika nga, mas madaling mag-ipon kung may savings goal. Kung mayroon silang gustong bilhin tulad ng bagong sapatos, ang halaga nito ang magiging target amount nila. Paano naman ito gagawin? Itabi ang lahat ng napamaskuhan at kung kulang pa, i-encourage silang magtabi ng pera mula sa kanilang allowance. Ang mahalaga, matutunan nila na kailangan ang pasensya at disiplina sa pag-iipon.
‘Wag nating kalimutan na maging responsable sa lahat ng bagay. Kung wala kang tiwala sa sarili mo na makakapag-ipon ka willingly, maaari ka ring humingi ng tulong mula sa iyong HR.
Tanungin sila kung may option na automatic na deducted o ibabawas ang iyong suweldo para itabi sa savings mo. Kung hindi puwede sa HR, maaari ka ring lumapit sa bangko upang mag-inquire kung mayroon ba silang Automatic Savings plan na ino-offer.
Oks?
Comments