top of page
Search
BULGAR

Todo-thank you sa tulong ni Julius… DEBORAH, MAY COLON CANCER

ni Beth Gelena @Bulgary| August 24, 2024


Showbiz News
Photo: Deborah Sun / FB

Ibinahagi ni Deborah Sun sa vlog ni Julius Babao na na-diagnose siya ng colon cancer, ngunit aniya ay nagpapasalamat siya dahil stage 2 lamang ito. 


Todo-todo ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdaraanan.


Habang nag-uusap sila ni Julius, nagulat ang aktres nang ihayag ng huli ang kanyang intensiyon na mag-abot ng tulong. Hindi niya napigilang maiyak lalo na nang makatanggap ng tulong-pinansiyal mula kay Julius.


Well, nananatiling positibo ang thinking ni Deborah Sun na lumalaban para sa kanyang kalusugan. Aniya, malalampasan niya lahat ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay sa tulong ng Diyos, ng mga doktor, at ng kanyang mga mahal sa buhay.


 

Inalmahan ni Ogie Alcasid ang fake news tungkol sa diumano'y hiwalayan nila ni Regine Velasquez.


Sa pamamagitan ng isang post sa Threads, nanawagan si Ogie sa publiko na i-report ang Facebook account na gumawa ng video tungkol sa umano’y paghihiwalay nila ng misis.


“Ang post na ‘to ay ipinadala sa ‘kin. Nakakalungkot na ang may-ari ng account na ‘to ay nagkakalat ng mga tsismis tungkol sa ‘ming kasal na napakahalaga para sa ‘kin at sa aking asawa, at gumagawa ng mga kuwento tungkol sa diumano’y paghihiwalay namin. I-report po natin ‘to,” ani Ogie sa kanyang caption. 


Hindi ito ang unang pagkakataon na naging biktima si Ogie Alcasid ng fake news. Noong Marso, nagbabala rin ang It’s Showtime (IS) host sa mga netizens na huwag maniwala sa isang anunsiyo na nagsasabing magkakaroon sila ng concert ni Regine Velasquez sa Dubai sa nasabing buwan.


 

After Paris, lumipat si KC Concepcion sa Spain para mag-explore. Nag-e-enjoy ang Mega Daughter sa paglilibot sa nasabing lugar.


Aniya, “Hola, España!”


Ayon pa kay KC, doon niya rin daw nalaman ang roots ng mga Arellano na kanyang pinagmulan. 


Sey ng aktres-entrepreneur, “I feel surprisingly at home in Madrid, as I discover the city where my grandma (who was an educator from my father’s ‘Arellano’ side) spent years, living and studying. Alongside my great grandfather, Oscar Arellano, she learned and helped to introduce the ‘Montessori method’ from schools in Spain to the Philippines. Always remember where you come from @concepciongabby.”


Sey naman ng mga netizens:


“Great grandpa mo pala si Oscar Arellano, father ng Grandma Lourdes mo.”


“Awww, lolo mo pala si Oscar Arellano. Nabasa namin online na nag-establish ng Operation Brotherhood, mother organization ng Operation Brotherhood Montessori Center sa Pilipinas.


“Tapos naging presidential awardee si Lolo Oscar mo during the time of President Elpidio Quirino (sorry, si Ramon Magsaysay pala).” 


“Kilig,” ani KC sa tinuran ng commenter.


Sa isa pang post ni KC, kasama pala niya ang amang si Gabby Concepcion. 

Ani KC, “I hear you sharing some #Madrid spots from this week (not in order).”


Tila nag-uusap ang mag-ama kung saan sila mamamasyal. 


“Getting back into my bobo era for a day with live Sunday street jazz and famous flea market finds at El Rastro, La Latina,” sey ni Gabby.


Komento ng netizen: 


“Kasama mo pala si Papa Gabs.”


“Oh, your papa is there pala, that’s why his IG is silent. Hehehe! Enjoy you two! Nice reel!”


Sey naman ng isang commenter, “Face time only.” 


“Happy for you! Good for your papa to join you in your trip, father-daughter bonding. Enjoy KC, have fun with Papa Gabs!”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page