ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 15, 2024
Photo: Heart Evangelista at Albert Kurniawan - Instagram
Umani na naman nang katakut-takot na reaksiyon ang bagong post ni Heart Evangelista sa Instagram (IG).
Nagbahagi ang aktres-fashion icon ng mga larawan niya kasama ang kanyang Aspin dog na si Panda Ongpauco Escudero.
Sa mga larawan ay makikitang nakaupo sila ni Panda sa hagdan at sa bandang ibaba ay nakalagay naman ang Louis Vuitton bag ng aktres.
Sa caption ay tila may paglilinaw si Heart at sinabing hindi siya nagsinungaling.
“I didn’t lie… I said ILY @pandaongpaucoescudero (3 violet heart emoji),” sey ni Hearty.
Tila nakuha naman ng mga followers niya ang kanyang ibig sabihin kaya kani-kanya sila ng reaksiyon.
“Ang ganda n’yo ni Panda d’yan, na-miss ko kayo. And yup missy, we know you didn’t lie. As your long time friend, I can attest to that. In this case, sure na sure ako na hindi ikaw ‘yung sinungaling at hindi mo kailangang magsinungaling.
"Alam ko naman kung sino ang sinungaling without a doubt. Tandaan ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Batu-bato sa langit, ang tamaan, 'wag magalit #itiswhatitis …” sey ng kanyang kaibigang si Albert Kurniawan.
“Never explain yourself to anyone because the person who dislikes you won't believe it. You have a beautiful heart and a beautiful soul, always remember that,” komento naman ng isa niyang follower.
“Heart is Heart, nagpapakatotoo lang, ‘di ‘yung tahimik pero nasa loob ang kulo. Iba mag-uusap para nga naman masabing tahimik lang s’ya at ‘di nagpaparinig,” sabi naman ng isa pa.
“Of course, dito kami sa legit fashion icon (red heart emoji) at hindi nagde-delete ng comments. Honesty is the best policy kaya, ‘di ba?” sey pa ng isa niyang fan.
Hinuhulaang may kinalaman sa Victoria’s Secret (VS) issue ang post na ito ni Heart dahil isang fan ni Pia Wurtzbach ang inaakusahan siyang nagkukunwari lang na naimbita ng nasabing brand.
Matatandaan kasing inilabas ni Heart sa kanyang IG ang invitation ng Victoria’s Secret Fashion Show in New York pero tinanggihan niya ito at sinabing she needed to stay home.
Ayon sa fan ni Pia, hindi raw totoong invited si Heart dahil ang Miss Universe lang daw ang ‘one and only invited’ ng nasabing brand.
Well, let’s see kung hanggang saan hahantong ang giriang ito nina Pia Wurtzbach at Heart Evangelista, pati na ng kani-kanilang mga fans.
Kahit hirap na hirap dahil mahiyain…
JM, NAHAWA NA SA GF NA SI DONNALYN, VLOGGER NA RIN
DAHIL nga content creator ang girlfriend niyang si Donnalyn Bartolome, natututo na rin si JM de Guzman na mag-vlog at yakapin ang mundo ng kanyang dyowa.
May YouTube (YT) channel na nga ang aktor ngayon at gumagawa na rin ng sariling content.
Aminado naman si JM na bilang mahiyaing tao by nature, talagang hindi naging madali sa kanya ang pagba-vlog.
“I’m still learning. Bago pa lang ako sa content creation,” sey ni JM sa mediacon ng pelikula nila nina Lovi Poe at Jameson Blake na Guilty Pleasure (GP).
Challenge nga raw sa kanya ang content creation dahil siya ‘yung tipo ng tao na hindi masyadong ma-express ng sarili.
“Ako kasi, medyo hindi ko kayang i-portray masyado ang sarili ko, eh. Okay ako mag-portray ng ibang characters, pero kapag sarili ko na, medyo dyahe,” sey niya.
Pero dahil love niya siyempre si Donna kaya gusto rin niyang matutunan ang ginagawa nito.
Anyway, first time ni JM na makatrabaho si Lovi sa GP na ipapalabas na sa mga sinehan ngayong October 16 mula sa Regal Entertainment at bagong produksiyon ng aktres na C’est Lovi Productions.
Comments