top of page
Search
BULGAR

Todo-tanggol kay Rita, siya raw ang harapin mo, Archie… CLAUDINE, IBINULGAR NA BIKTIMA RIN NG PANG-AABUSO

ni Beth Gelena @Bulgary | Nov. 3, 2024



Photo: Rita, Claudine at Archie Alemania - IG / FB


Nakasuporta si Claudine Barretto sa sexually abused na aktres na si Rita Daniela dahil sa aktor na si Archie Alemania.


Sey ni Claudine, “‘Di po ako nakikisawsaw sa mga naglalabasang isyu. Rita has been a true blooded Claudinian, supporting me through my highs & lows. Claudinian man si @missritadaniela o kahit sino, It DOES NOT MATTER!!! She is a MOTHER & FATHER. I WENT OUT OF MY WAY TO BE THERE FOR RITA. 


“Sa mga nagsasabi o magsasabi ginagamit n’ya ako, please know that she isn't. Why am I in the middle of a crossfire? BECAUSE I BELIEVE & WILL PROTECT HER TO HER PERPETRATOR. AKO HARAPIN MO! APOLOGIZE BEFORE IT’S TOO LATE, BOY.”


Aniya pa, “I will always protect anyone who is going through this for I myself was a VICTIM YEARS AGO!”


Isang commenter ang nagtanong kung ano ang naging experience niya.

Sagot niya, “Someday soon sweetheart, I’ll tell my truth. Can we all just love, protect and be compassionate towards each other?”


 

Pambansang Babaero raw…

JOHN, HINIHINTAY NG NETIZEN NA MAKARMA



VIRAL ang video ni John Estrada sa social media na kuha sa isang bar. Sa video, makikita ang actor na in an all-white outfit na looking chic and fine at may kasamang matangkad na babae na hitsurang foreigner.


Ang caption na inilagay ng Facebook (FB) user na nag-post, “Mag-chill muna raw si Rigor, Lena,” referring to John and Mercedes Cabral's viral and iconic roles in FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Last June ay naglabas ng statement ang actor hinggil sa status nila ng asawang si Priscilla Meirelles. 


Ani ng actor, “Priscilla and I have mutually agreed to take a break for quite some time now.”

Komento ng mga netizens sa viral video…


“Babaero talaga. Tsk… tsk… tsk… kailan kaya ‘to makakarma?”

“Tumatandang walang pinagkatandaan. May kilala akong ganyan.”

“Ang ganda ng bagong partner n’ya.”

“Feeling binata ang lolo.”


“Sakit n’ya na ‘yan. Naka-ilang matitinong babae na s’ya.”


“Hahaha! ‘Pag tanda n’yan, saka n’ya maiisip ‘yan. Nakakahiya sa mga anak n’yang babae.”

“A man who only takes and takes and has no purpose in the world but own satisfaction.”

“Maganda na ‘yung asawa n’ya, nakuha pa ring magloko.”

“Mas maganda si Priscilla.”


"OMG, John Estrada, you are really a man without honor. I was so impressed pa naman sa kasal n’yo ni Priscila, ganyan lang pala gagawin mo sa kanya. You are leading your life to the wrong direction.”


“Mahilig sa tisay, ibinabandera na tisay lang pero mas hamak na maganda si Priscilla. ‘Di na mag-change ‘yan ng taste, kaya sorry, Lena, iiwan ka rin.”


“Kawawa mga asawa nito. Pagkatapos laspagin ay iiwanan na at papalitan ng mas bata.

Age is just a number, pero kung sa beauty at kaseksihan naman ni Priscilla sa panahon ng kabataan n’ya, ay walang makakatalo.”


“Si John Estrada na talaga ang Pambansang Babaero. ‘Di magandang impluwensiya sa mga netizens.”


Ang nasabing viral video ay umabot na sa 2.6 million views.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page