top of page
Search
  • BULGAR

Todo-suporta kay DJ, ex-GF dinudurog… KARLA SA MGA FANS NI DANIEL: KATHRYN, TANTANAN NA!

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 12, 2024



Showbiz News

Nakiusap si Karla Estrada sa lahat ng supporters ni Daniel Padilla na itigil na ang pamba-bash sa ibang tao. 


Sa kanyang Facebook account isinagawa ng aktres-TV host ang panawagan pero hindi na siya nagtukoy pa ng pangalan.


“Panawagan sa lahat ng mga supporters ni Daniel Padilla or DJP, pakiusap lang po, no bashing tayo, please?” pakiusap ni Karla.


Ayon pa sa momshie ni DJ, hindi raw ganitong klase ang gusto nilang pagsuporta ng mga fans para sa kanyang anak.


“Hindi ‘yan ang klase ng pamamaraan ng pagsuporta na gusto ng aming pamilya para kay Daniel. We appreciate your support, but please, no bashing to others,” aniya.


Mensahe pa niya sa mga fans, “Ipagmalaki ang lahat ng blessings ni DJP. Respeto para sa blessings ng iba na maging masaya tayo sa tagumpay ng bawat isa. NO TO HATE NO TO BASHING. Salamat (praying emoji).”


Bagama’t walang tinukoy na pangalan kung sino ba ang ipinakikiusap ni Karla, hinihinala ng fans na ang ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo ito base na rin sa kanilang sagot.


“Totoo! Suportahan natin sila at maging happy sa kanilang dalawa dahil minsan din nila tayong napasaya. Nakakadismaya lang ang ibang fans, nagko-comment or post ng negative. Let’s share positivity and be happy sa achievements, blessings nila o kung saanman sila ngayon,” pahayag ng isang fan.


“Dapat ganito rin ang gawin ng kabila. I-call out nila ang mga fans nila na grabeng makapang-bash kay DJ. Dahil d’yan, mas lumalim ang respeto ko sa ‘yo, Ms. Karla. I hope the other side will do the same for the peace of everyone. Tigilan na ang mga below the belt na banat, let's all celebrate the success of DJ,” sey naman ng isa pa.


Samantala, pinag-uusapan din ng mga netizens ngayon si Kathryn dahil sa hot performance niya sa Century Tuna’s Superbods 2024 ‘Best You Ever’ Finals Night last Tuesday. Hindi namin alam kung may kinalaman nga ito sa pakiusap ni Karla, but so far ay puro papuri naman ang nababasa namin sa brave and daring act na ito ng aktres. 


 

Lito Lapid

Kinilala ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang naiambag ni Senador Lito Lapid sa industriya ng pelikulang Pilipino sa nakalipas na ilang dekada.


Mula sa pagiging extra, stuntman at bida sa mga pelikula, hindi pa rin iniwan ni Lapid ang showbiz industry kahit siya ay nagsilbing vice-governor, governor ng Pampanga at ngayon ay senador sa loob ng tatlong termino.


Binigyan ng Icon Award ang actor-politician sa katatapos lang na 7th Eddys Entertainment Editors Choice Award sa Marriott Hotel, Pasay City nitong July 7, 2024.


Sa ngalan ni Senador Lapid, tinanggap ng kanyang pamangkin na si Atty. DX Lapid ang tropeo kasunod ang taos-pusong pasasalamat sa mga bumubuo ng SPEED at mga kasama sa showbiz industry.


Narito ang mensahe ng senador na binasa ni Atty. DX Lapid, “Supremo Senator Lito Lapid is deeply grateful for the recognition of his contributions to the Philippine film industry. Ipinapaabot din n’ya ang pagbati sa mga kapwa artista na nakatanggap din ng karangalan mula sa SPEED.


“Sa mahabang panahon, mahal ni Supremo ang industriyang ito. Nagsimula s’ya sa pagiging extra at stuntman hanggang sa pagbibigay-buhay sa mga karakter sa pelikula at telebisyon gaya ng sa kasalukuyang Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo kasama si Direk Coco Martin.

“Kahit sa kanyang tatlumpong taong paglilingkod sa bayan bilang bise-gobernador at gobernador noon, hanggang sa pagiging senador n’ya ngayon ay hindi n’ya iniwan ang industriyang ito na para sa kanya ay isang uri rin ng pagseserbisyo sa pamamagitan ng pagbibigay-inspirasyon at kasayahan.


“This recognition is a great honour for Sen. Lapid, and it only proves that his dedication and love for the arts and country are truly invaluable. Taos-pusong pasasalamat po mula kay Supremo Senador Lito Lapid.”


0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page