Todo-sigaw na pabalikin ng ‘Pinas si Du30, sinopla… GLORIA KAY IPE: ‘YUNG ANAK MO, PADALHAN MO NG PERA
- BULGAR
- 6 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 15, 2025
Photo: Gloria Diaz at Philip Salvador - Instagram
Sunog ang aktor na si Phillip Salvador kay Gloria Diaz. ‘Yan ang sabi ng mga netizens pagkatapos mag-viral ang comment ng dating Miss Universe sa naka-post na picture ni Phillip during his campaign.
Isinisigaw daw kasi ni Phillip na pabalikin ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa comment section ay makikita ang post ng isang account na nagngangalang ‘gloria.diaz69’.
Verified account daw ng dating Miss Universe ang gloria.diaz69, ayon sa mga netizens.
Sey ni Gloria, “‘Yung anak mo padalan mo ng pera.”
Siyempre pa, natuwa ang mga bashers ni Phillip sa comment ni Gloria.
“GLORIA DIAZ burns PHILLIP SALVADOR (fire emojis) talak kasi nang talak sa stage, pero hindi naman nagbibigay-sustento sa mga anak. Sus!”
“Phillip Salvador, ‘Bring him home!’ Gloria Diaz: ‘‘Yung anak mo padalhan mo ng pera!’ Sunog si Phillip! (laughing emoji).”
“It’s like… the (Miss) universe is saying something to you, Ipe. Better listen!”
May ilang mga netizens naman ang nalito kung sino’ng anak ni Phillip ang tinutukoy ni Gloria.
Bukod kasi kay Joshua Aquino na anak ni Phillip kay Kris Aquino, may iba pang mga anak ang aktor sa dati niyang non-showbiz partner.
Sey pa ng mga netizens:
“Sino ba’ng anak ni Phillip Salvador ang sinasabi ni Gloria Diaz na padalhan niya ng pera?”
“Jusko! Mas marami pang pera ang anak niya kesa sa kanya.”
“Maraming anak si Phillip, hindi lang si Josh. Besides, it’s not the amount per se. The court can designate the amount you can contribute based on your income.”
So, there.
Few days after ng interbyu ni Marjorie Barretto kay Ogie Diaz, muling nagparamdam si Dennis Padilla sa social media.
This time ay para ipagtanggol ang kanyang kapatid at kapwa komedyante na si Gene Padilla sa mga bashers.
Agad na binaha ng negative comments ang Instagram (IG) account si Gene pagkatapos sabihin ni Marjorie na ‘di invited ang kapatid ni Dennis sa kasal ng anak na si Claudia Barretto at longtime BF nitong si Basti Lorenzo.
Kahapon ay nag-post si Gene ng solo pictures niya sa kanyang IG.
Caption ni Gene, “It’s okay if you say hurtful things. You don’t know me, and I don’t know you but I still choose to send you love, peace, and prayers for healing.”
Sa comment section ay dinepensahan ni Dennis si Gene.
“Dear Gene... Wala kang mali… Nagbigay ka lang ng suporta sa akin... Dahil naramdaman mo ako… Salamat (crying and heart emoji),” lahad ni Dennis.
May panawagan din si Dennis sa mga bashers nilang magkapatid na as of this writing ay ‘di na makita sa IG post ni Gene.
Pakiusap ni Dennis, “Sa mga bashers… Please spare my brother… Itodo n’yo na lang sa akin… God bless you more.”