Julie Bonifacio - @Winner | April 13, 2021
Sinampulan ni Angelica Panganiban ng pagiging palaban ang isang netizen. Tinawag kasi siyang laos.
Say ng netizen, "Hey, laos. Shut up na! 'Di mo na mababangon ang career mo kahit mag- iingay ka pa d'yan. If you want, tumulong ka. Puro ka reklamo!"
Ini-repost ni Angelica ang comment ng netizen sa kanyang Twitter account at sinita ito sa inilagay niyang caption.
"Hello Sarah. Style mo baguhin mo. Paulit-ulit kayo. Baka next question dito, ano ambag ko? Baka 'di ka bayaran sa performance mo. Bakit 'di mo tweet gobyerno na tumulong para matuwa bansa sa 'yo. Ikaw na lang yata naniniwala sa nagbabayad sa 'yo," caption ni Angelica sa kanyang tweet.
Nagmula ang comment ng netizen na laos na si Angelica sa isa sa mga tweets niya ukol sa pagkabahala niya sa mataas na rate ng COVID patients at ang presyo ng pagpapa-swab test.
"Hinang-hina ka na, maglalabas ka pa sa bulsa mo ng pera, para ma-swab. At malalaman mo, pasitib ka sa COVID Mami. Pa'no na paospital? Gamot? Mental care?! 'Yung vaccine ba, aasahan pa namin sa inyo? 'Di naman 'di ba? KKB! Nakakaiyak. Ito ang emotional. #freemasstesting," tweet ni Angelica.
Heto pa ang isang tweet ng aktres, "15k?! To think ang mga nagpapa-check lang ay mga may symptoms at may kaya magpa-swab test.. eh, pa'no ang wala? Hay, nakakaloka! Nakakaloka, potah!"
Dinepensahan naman si Angelica ng kanyang followers sa social media.
"Jusko, may pangalan na ang isang Angelica Panganiban sa industriya. Ayan be happy, may bayad ka niyan kasi napansin ka."
"Madam, kami na bahala dito sa garapata na 'to! Dudurugin namin bunganga nito!"
"Kaloka talaga mga bayarang DDS."
"Kalurks naman yarrrn! Mame, parang 'di naman laos si @angelica_114 at hindi man niya ipakita, for sure, dami niyang natulungan."
Comments