top of page
Search
BULGAR

Todo-react sa mali ng iba… MAINE, TAMEME SA PAGPABOR NI ARJO SA MAHARLIKA FUNDS

ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 12, 2023



Marami ang nakapansin sa pag-like ni Maine Mendoza sa post sa Twitter (X na ngayon) ng AltStarMagic na tinatawag ang pansin ng MTRCB dahil sa pagmumura ng isang host ng E.A.T. habang umeere ang noontime show sa TV5.


“May malutong na nagmura sa national TV. So, Lala Sotto (MTRCB chairwoman), ano’ng aksiyon natin?” ang laman ng X post na ni-like ni Maine.


May nagtanong kung si Wally Bayola ba ang nagmura.


Sumagot ang isang netizen, “Definitely, yes!”


Komento ng ibang netizens, “Well, si Maine talaga ever since, ‘pag may nakikitang mali sa show na kasama siya, it’s either mag-iiba ang reaction ng face niya real quick or ‘pag sobra na, iko-call out in a fierce yet intelligent way. Parang ‘yung kay Joey (de Leon) about mental health before. Very awkward on-air ‘yun, pero Maine stood her ground and a lot of millennial and GenZs online ay kumampi sa kanya, kasi tama naman siya. Ending, nag-apologize si Joey.”


“Totoo ‘to. Nangko-call-out siya or makikita sa face niya ‘pag it doesn’t sit well with her.”


“Para naman fair, ‘di ba?! Bakit ba siya nagmura, eh, alam naman niya na live ‘yung show nila.”


At hindi lang pala si Wally ang naringgan ng mga netizens na nagmura.


Anila, “Balikan nila ‘yung July 3 or 4 ng E.A.T., nagmura ru’n si Jose (Manalo), nasa studio siya nu’n. Tawanan nga lang sila. Sinaway lang siya ni Paolo (Ballesteros).”


“Is Jose trying to get suspended or fired?! Sunud-sunod na siya,” sey naman ng isa na ang gustong tukuyin ay ang pagka-racist ni Jose Manalo sa joke niya kay Zombie na kasama nila sa E.A.T..


“Yes! Si Maine pa ba?! Si Joey nga, kino-correct niyan, eh!”


“Well, I’m not surprised. She’s known for calling out wrongdoings and not tolerating even if the person is close to her.”


“What I like about Maine is she is not biased and she has principles.”


Naiiba naman ang komento ng netizen na ito dahil tila gusto nitong intrigahin ang mag-asawang Maine at Congressman Arjo Atayde, “But she's quiet about Arjo's involvement in authorship of Maharlika Fund.”


Ano kaya'ng masasabi ni Maine d'yan?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page