ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 16, 2024
Hindi si Ai Ai delas Alas ang sumagot sa patutsada ni Chloe San Jose sa kanya sa Facebook (FB) na, “Back to you mamang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x- it’s just the universe law.”
May kinalaman ang FB post ni Chloe sa balitang paghihiwalay nina Ai Ai at Gerald Sibayan. Nag-react si Chloe dahil sa comment ni Ai Ai na, “Hindi ka pa asawa girl, girlfriend pa lang,” na tungkol naman sa conflict ni Chloe sa parents at family ng jowa niyang si Carlos Yulo.
Hindi nga si Ai Ai ang sumagot kay Chloe, ang anak niyang si Sophia Delas Alas ang nag-dare sa controversial GF ni Carlos.
Sey ni Sophia, “Matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom.” Sinundan ng, “Kita tayo sa Manila? Matapang ka, eh.”
Sagot ni Chloe, “Messaged you, Love.”
Sa mga reaction ng mga netizens, mas pabor sila kay Sophia at sinabihan si Chloe na ‘wag sa PM (private message) ang sagot kay Sophia, mag-comment daw siya dahil matapang naman daw siya.
Samantala, sa IG ni Ai Ai, ang ganda ng mga comments para sa kanya. May payo na for sure, nababasa nito, gaya ng, “God heal your heart. Mama Mary will hug you,” “You will be okay my friend,” at “God is with you, maraming nagmamahal sa ‘yo.”
Napa-“wow!” si Kathryn Bernardo nang unang malamang P85M + ang first day gross ng Hello, Love, Again (HLA) movie nila ni Alden Richards. Natutulog pa ito nang pasukin ng mom niya sa kanyang bedroom para sabay nilang buksan ang kanilang phones at basahin ang ipinadalang message sa kanila tungkol sa first day gross ng HLA.
Nang mabasa ang message, “Wow!” ang unang reaction ni Kathryn at dahil putol ang video na aming napanood, hindi na alam kung ano pa ang sumunod niyang reaction. Tiyak na may mas mahaba siyang reaction nang mag-sink-in na ang HLA na ang highest grossing local movie sa opening day.
Si Alden, nagpasalamat sa kanyang Instagram (IG) at X (formerly Twitter). Nag-post ng photo nila ni Kathryn at photos ng moviegoers na kuha sa iba’t ibang cinemas.
Aniya, “PILIPINAS, MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA PAGMAMAHAL N’YO KAY JOY AT ETHAN! You are the reason behind the record-breaking success of Hello Love Again on its
first day. MARAMING-MARAMING SALAMAT PO!!!”
Dahil dito, siguradong madaragdagan pa ang 1000 number of cinemas kung saan palabas ang HLA worldwide. Kasama pala sa P85 million ang P35 million worth of tickets pre-sold both locally and internationally at ang ticket sale sa midnight screening.
Anyway, lilipad pa-Los Angeles, California sina Kathryn at Alden para sa Meet-and-Greet at para na rin sa screening ng HLA doon, at parang may iba pang bansa silang pupuntahan for the same reason.
Secret weapon daw sa success niya…
GERALD, TINAWAG NA BETTER HALF SI JULIA
Proud girlfriend si Julia Barretto sa promotion ni Gerald Anderson na isa nang auxiliary captain sa Philippine Coast Guard (PCG) reserve command. Present si Julia sa donning at oath-taking ceremony ni Gerald.
Sabi ni Julia, “Congratulations Captain @andersongeraldjr So proud,” at sinundan ng comment na, “I’m just really happy. I’m really happy to be by his side and grateful that I get to be part of this. At the end of the day, I really am just his partner who will always have his back.”
Si Gerald naman, tinawag si Julia na kanyang “secret weapon” at “better half.” Kaya siguro natanong ang dalawa kung may balak na silang magpakasal na sinagot ni Julia.
Sey niya, “We’re just taking it day by day, being present and enjoying this time together. I love watching him achieve a lot more things and watch him live his dreams. There’s so many dreams that are outside the industry that were in order already. In the right time. In God’s time.”
Comentarios