ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 19, 2021
Marami ang nagpapasalamat kay Sen. Bong Revilla, Jr. dahil sa kanyang panukala na huwag nang gawing compulsory ang pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay.
Dagdag-gastos daw ito sa mga maralita. Dapat ay ang mga health workers (doctors and nurses) at mga nagtatrabaho sa hospitals, clinics at crematorium ang iobligang magsuot ng face shield, ganu'n din kapag nasa enclosed na mga lugar.
Nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ito at aprubado naman.
Maging ang pagbabakuna kontra-COVID 19 ay ipino-promote rin ni Sen. Bong at ang slogan nga niya ay "Kapag nagpabakuna... may agimat ka na!!”
May connect 'yan sa action-fantasy show niyang Agimat ng Agila na na napapanood sa GMA-7 tuwing Sabado nang gabi.
Comments