top of page

Todo-iyak sa breakup nila ng BF, pero… MARIS, 3 DAYS LANG, NAKA-MOVE ON NA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2022
  • 3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 4, 2022



“Three hours lang,” ito ang tumatawang sabi ni Maris Racal sa tanong kung ilang araw o buwan siyang naka-move on pagkatapos niyang makipaghiwalay sa karelasyon.


May kaugnayan ang tanong sa titulo ng YouTube series niyang How to Move On in 30 Days kasama sina Carlo Aquino at Albie Casiño.


Pero bawi niya, “Thankfully naman, sa awa ng Diyos, hindi talaga ako nahirapan ever since mag-move on.

“Kasi, ‘di ba, minsan 'pag sa pagdulo na ng relationship, unti-unti mo nang natatanggap na hindi para sa akin ang taong ito?”


Ramdam naman daw niya na kapag hindi na okay ang takbo ng relasyon at hindi na siya nakararamdam ng growth ay mas madali ang pakikipaghiwalay.


“When you really love yourself, na gusto mong ibalik 'yung self-worth mo, 'pag ‘yun ang motivation mo, super-bilis talaga ng moving on stage mo,” saad pa ng aktres.


Hirit naman ni Carlo, madali nga raw mag-move on si Maris dahil idinadaan nito sa pagsusulat ng kanta at inamin din naman ito ng singer-actress.

“Ako talaga, since sobrang intense ng emotions, gina-grab ko ‘yung opportunity na ‘yun para magsulat. Du'n ‘yung time na isinusulat ko ‘yung mga songs na sad. ‘Yun ang release ko, 'yun ang outlet ko.


“After ng pagsusulat, siguro, time with friends, pupunta talaga ako sa beach, hihinga ako,” paliwanag ng dalaga.


Pero hindi naman agad-agad na makakalimot na ang dalaga, dumaraan din daw siya sa proseso.

“So the moment na mag-decide ka na break na kayo, you finally accepted na hindi kayo para sa isa’t isa. Then, iyak-iyak lang for three days, then okay na ako.


“It’s a process, hindi dapat minamadali. Dapat mag-take time ka. Whether it’s fast or mahaba, i-enjoy mo lang ‘yung process because that’s what gonna make you are in the future.”


Special mention niya si Sue Ramirez na isa sa mga naging shoulder to cry on niya nang makaranas ng matinding breakup.


“Pinaka-ka-chika ko nu’n si Sue. Ikinukuwento ko lang sa kanya from start till nag-break, lahat. Inuulit-ulit-ulit ko sa kanya until ma-realize ko, ‘Shucks, kawawa ka, Bes. Paano mo ito nakakaya?'” natawang pag-alaala nito.


Sabay sabing, “Tapos, ako na ‘yung nahiya, itinigil ko na. Du’n ako unti-unting namulat. Ang cringe ng pinaggagagawa ko these days. Kailangan nating ibalik 'yung self-worth natin.”


Tulad din ng mga kuwento ng ibang cast ng How to Move On in 30 Days na sina John Lapus, Jai Agpangan, Poppert Bernadas, Phoemela Baranda, Kyo Quijano at Sachzna Laparan na may kani-kanya silang set of friends na sinabihan din.


Say pa ni Maris, “I think I can say na naka-move on na ako kapag may kinakausap na ako. 'Pag may bagong nagpapakilig sa akin na parang, ‘Oh, my God, iba ito. Hindi siya parang joke na feelings, totoo ito.’


“Feeling ko, yes, move on, pero kailangan mo kasi ng confirmation talaga. Hindi naman confirmation from the other person, confirmation within yourself na parang, ‘Okay, kinikilig na ako. Napo-fall ako, tapos masaya ako.’ Iyan ang way ko for confirming, ‘Okay na ako, I have moved on.'”


At sa kasalukuyan ay masaya at kuntento si Maris sa piling ng boyfriend niyang si Rico Blanco.


Mapapanood na ang How to Move On in 30 Days ngayong Lunes, Abril 4, sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment handog ng Dreamscape Entertainment at YouTube mula sa direksiyon nina Dick Lindayag at Benedict Mique.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page