ni Janiz Navida - @Showbiz Special | May 2, 2022
Maraming bilib at natutuwa kay Jinkee Pacquiao sa pagiging very supportive wife sa presidentiable hubby niyang si Sen. Manny Pacquiao.
Kesehodang nakakapagod at nakakaubos ng energy ang pag-iikot sa iba’t ibang parte ng ‘Pinas maka-reach out lang sila sa mga botante at mahingi ang tiwala ng mga ito para iboto si Sen. Manny sa pagka-pangulo sa 2022 elections ay walang reklamo si Mrs. Pacquiao at game na game talaga!
At maging sa kanyang Instagram account ay ang sipag-sipag ni Jinkee, post ito nang post ng mga happenings kung saan sila nagpunta ng mister at kung gaano kainit ang pagtanggap sa kanila ng mga tao sa kanilang mga pinupuntahan.
Pero ang siste at napansin lang ng mga netizens, bakit restricted pa rin daw ang IG account ni Mrs. Pacquiao?
Mapapansin ang “Comments on this post have been limited” sa ibabang bahagi ng bawat post ni Jinkee.
Tuloy, kahit gustung-gustong magpaabot ng mga netizens at supporters nila ng suporta at words of encouragement para sa pagtakbo ng mister ni Jinkee, du’n na lang nila idinadaan sa IG account ni Sen. Manny.
At least nga naman du’n, may freedom silang sabihin lahat ng nasasaloob nila, good or bad.
Well, ang basa namin sa move na ‘yan ni Jinkee ay para magkaroon siya ng peace of mind at hindi ma-bash nang bonggang-bongga.
Mahirap nga namang instead ang focus na lang nila ay sa eleksiyon, eh, mai-stress pa si Madam Jinkee sa dami ng toxic comments na puwedeng ibato sa kanila sa social media.
Devah naman?!!!
Comentarios