JINKEE, MULA ULO HANGGANG PAA, NAKA-GUCCI LAHAT
Julie Bonifacio - @Winner | November 24, 2020
Binatikos ng mga netizens ang simpleng mensahe ni boxing legend Senador Manny Pacquiao na ipinost niya sa kanyang Twitter account last Sunday.
Isang larawan niya kasama ang misis na si Jinkee Pacquiao ang ipinost ni Sen. Manny habang nasa background nila ang balitang ibinebentang mansion nila worth P1.5 B sa Forbes Park, Makati City.
Comment ng mga netizens:
"Is that your mansion behind you you referred to as one of the little things you have in life champ?"
"Josko Lord, little things daw. Paano na lang ang mga pobre. It’s actually not humility that he’s showing - it’s plain and simple PANGHAHAMBOG!"
"Little things in life daw pero mansion background."
Say naman ng isa pang netizen, "Kung little lang ang tingin mo sa lahat ng meron ka, hindi ka grateful."
"Oo nga, eh, makasabi ng little things.. ano KAYA ang big things sa kanila. (Thinking face upside-down face)."
Bukod sa pagpansin sa mansion nina Sen. Manny, dinagsa rin ng comments ang branded attire naman ni Jinkee from head to foot.
"The little things like this amazingly bizarre and expensive Gucci shirt Jinkee has on, thank God for Gucci."
Ang Gucci ay isang super expensive brand na may iba't produkto gaya ng suot ni Jinkee.
Napag-alaman namin na nagkakahalaga ng $1,025 ang suot na Gucci UFO t-shirt ni Jinkee sa picture nila ni Sen. Pacquiao. And recently, discounted na raw ang price to $750.
Kung iko-convert ang halaga nito sa pera natin, tumataginting na mahigit P35K ang halaga nito. Pang-itaas pa lang, wala pa ang skirt and shoes na suot ni Jinkee.
"Ilang nagugutom na Pilipino kaya mapapakain sa halaga ng suot ni Jinkee? Sabi nga ni Pacquiao, tumakbo siya para makatulong sa mahihirap."
"The wife is a free walking ad for Gucci."
Sa thread ng usaping ito sa mga Pacquiao, may nagsingit naman ng pangalan ni Agot Isidro.
Comment ng netizen, "Ang baduy talaga ni Jinkee."
Reply ng isa, "Mas lalo na si Agot praning na hanggang inggit na lang, walang pambili. (Sleepy face)."
Pagpiyok naman ng iba pang netizens, very untimely daw ang post na 'to ni Sen. Pacquiao especially now na ang daming lubog pa rin sa baha ang bahay bukod pa sa sandamakmak na naghihirap dahil sa pandemya.
"Little things” - it’s too obvious na pinagyayabang ang material things nila, hindi ata dapat lalo na’t ngayong economic crisis sa ating bansa."
"Little things? You live in a mansion while you see houses under water days after the typhoon there in the Philippines."
"This #COVID-19 pandemic has truly created a lot of “tone deaf” people bragging about what they have while a lot of people are suffering. You just reminded me who not to vote for this #Halalan2022 Balik ka na lang sa boksing, matuwa pa ako sa 'yo."
"Shades... little. Salamat sa pagpapaalala sa lahat ng Pilipinong nawalan ng hanapbuhay at bahay sa "little" things. 'Ika nga, money can buy everything except "class"
"Opo, kitang-kita namin (little things) no need to brag about it. Just do your job, Senator Pacquiao."
"Okay, so for the real question- when do you plan to be an actual senator to this country, Sir? Or to make it easier for you... So kailan mo gustong maging senador? 'Yung actually makakatulong sa Pilipinas, ha?"
May mga netizens din naman ang nag-post ng kanilang comment in support of Sen. Pacquiao.
"Inggit ka kay Manny period."
"Nagsalita naman ang maraming naitulong."
"What you say may be true, but how many people do you know who have freely & generously given so much of everything they have earned over nearly all of their adult life as Manny Pacquiao has? I know that I haven't, have you, my friend?"
Anyway, ayon sa Google, ang estimated net worth ni Sen. Pacquiao ay nasa P11 B.
So, there.
Comments