ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | August 13, 2021
Isa sa mga in demand na Kapuso actors ngayon si Jeric Gonzales. Wala siyang tinatanggihang role at napaka-professional sa trabaho.
Kaya naman, patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng GMA Network at nabibigyan ng magagandang shows.
Markado ang role niya sa afternoon soap na Magkaagaw katambal sina Klea Pineda at Sheryl Cruz. Sa seryeng ito nagsimula ang pagkaka-link ni Jeric kay Sheryl na kanyang itinatanggi. Wala raw silang seryosong relasyon at mabuting kaibigan lang daw si Sheryl. Kaya, single na single siya ngayon at malayang tumambal kahit kanino.
Pangarap daw ni Jeric na mabigyan ng seryeng solo siyang bida. Sa ngayon, guesting-guesting muna siya sa mga shows ng GMA-7.
Si Jeric Gonzales ang kapareha ni Barbie Forteza sa Daig Kayo Ng Lola Ko: Captain Barbie. Pulis ang role rito ni Jeric.
Ang Capt. Barbie ay mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez at mapapanood na sa Linggo nang gabi sa GMA-7.
Kung sakali raw na mabibigyan ng superpower si Jeric, ang gusto niya ay magkaroon ng power na gamutin at pagalingin ang mga taong maysakit, lalo na ngayon na maraming namamatay sa Covid-19.
Kasabay naman ng pagma-mature ni Jeric, handa siyang tumanggap at gumanap sa mga daring roles. Gusto niyang mag-level-up bilang aktor.
Comments