ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 4, 2020
Ang daming abangers ngayon sa reaksiyon ni Piolo Pascual matapos ang naging rebelasyon ni BB Gandanghari sa kanyang latest vlog sa YouTube channel niya na nu'ng taong 2001 ay may nangyaring halikan at yakapan kay Rustom Padilla at sa sikat na aktor na nabanggit niyang "Piolo" ang pangalan.
Bagama't walang na-mention na apelyido si BB, dahil wala namang ibang sikat na Piolo sa showbiz maliban sa daddy ni Iñigo Pascual, sino pa ba naman ang iisipin ng lahat na tinutukoy ng dating si Rustom Padilla sa kanyang vlog?
Tsinek namin ang social media account ng paborito naming si Papa P. pero until now, wala itong inilalabas na statement kaugnay ng mga pasabog ni BB.
Either dedma na lang siguro si Piolo at hahayaang mamatay na lang nang kusa ang issue o baka nag-iisip pa ang kampo nito ng tamang approach na gagawin para harapin ang mga ibinulgar ni BB.
Samantala, dahil nga trending sa socmed ang Rustom-Piolo issue, lumutang ngayon sa YouTube ang lumang interbyu ni Tito Boy Abunda kay Papa P. kung saan tinanong nito kung hindi ba naaapektuhan ang aktor kapag inaakusahang lover ng bading.
"No," ang diretsong sagot ni Piolo kay Tito Boy.
Tanong uli ni Tito Boy, “You are not even bothered when people say you are gay?”
Ang sagot ni Piolo, “Because you know, it’s not true. I mean you know, you know yourself better than they are, than they do.
"For me kasi, what they do matter if they really know me. So what you see in me is the real me, I’m not hiding anything."
Pero nu'ng tinanong si Piolo ni Tito Boy kung posible ba siyang ma-in love sa isang bading, ang sagot ng aktor ay, “Naku, naku, nag-isip ako du'n. 'Wag namang ganu'ng tanong, hindi ko yata kaya ‘yun."
Dagdag pa nito, "I don’t wanna be discriminatory, I don’t wanna discriminate people. As what I’ve said, I’m open but to a certain extent.
"'Di ko yata… Ayaw ko. ‘Di ako ready,” ang sagot pa ni Papa P sa interview.
At hindi lang ang naturang interview ang muling lumutang at nag-trending sa YouTube, may ilang netizens din ang nagpaalala sa naging hamon noon ni Piolo sa isang tumawag sa kanilang bading ng anak na si Iñigo.
"Suntukan tayo!" ang matatandaang hamon noon ni Piolo sa basher nila ng anak.
Well, basta kami, isa lang ang paniniwala namin — hindi na usapin dito kung ano ang gender ni Piolo Pascual, ang mahalaga ay alam at isinasabuhay niya ang salitang respeto at pagiging mabuting tao na nakalimutan na yata ni BB Gandanghari dahil sa paghahangad na kumita sa kanyang YouTube vlogs.
Коментари