top of page
Search
BULGAR

Todo-deny na nagsasabong… GRETCHEN KAY BATO: MAGLABASAN TAYO NG EBIDENSIYA!

ni Julie Bonifacio - @Winner | March 31, 2022



Hinamon ni Gretchen Barretto si Sen. Bato dela Rosa na magpakitaan sila ng ebidensiya bilang patunay sa mga akusasyon niya sa former Phil. National Police (PNP) head tungkol sa online sabong.


Ipinost ni La Greta sa kanyang Instagram ang video ng interbyu ni Sen. Bato sa SMNI news program.


Say ni Sen. Bato sa interbyu, “Unang-una, sabi niya (Gretchen), mahal daw ang relo ko.

Bakit, siya lang ba ang may karapatan na magsuot ng P85 thousand na halaga na Tag Heuer na relo? Bakit, hindi pala ako puwede? Mahal ‘yun. Mahal talaga ‘yun para sa akin. Sa kanila, ewan ko kung mahal ‘yun sa kanila.”


Dugtong pa niya, “Tapos, sabi, meron daw akong utang sa… may balance raw ako. Paano ako magkaka-balance, eh, never naman ako nagsusugal? Never naman akong nagsasabong? Never in my life na kahit once na nag-bet ako sa sabong. Never nangyari ‘yan in my life.”


Character assassination lang daw ang ginagawa sa kanya ni Gretchen dahil desperado na raw ang “kampo” ng live-in partner ng business tycoon na si Tony ‘Boy’ Cojuangco.


Paniniyak pa ni Sen. Bato, hirap nang lumusot ang kampo ni Gretchen at ng business partner nito sa sabong na si Atong Ang sa isyung kinasasangkutan nito ngayon.


Hindi naman nagpatinag si La Greta sa mga pahayag ni Sen. Bato at pinaninindigan ng business partner ni Atong ang mga sinabi niya kontra sa retired PNP head.


“I am very willing to present evidence to you of my so called accusations, Bato dela Rosa. In front of media (praying emoji) time & place? Hurry pls (praying emoji),” paghahamon ni Gretchen sa caption niya on her IG post yesterday.


As usual, ride on ang mga netizens sa nangyayaring bangayan between La Greta and Sen. Bato.


“Haiz, ito na naman si Iyak Boy."


“There's something about Greta na kapag siya ang nagsalita, totoo 'yun, may hinahawakan siyang evidence. And ikaw, Bato, 'wag ka nang mag-side comment kay Greta, mas madami siyang connections kesa sa 'yo.”


“There are many women who are scared to use their voice, that's why I admire Gretchen for being brave, honest and straight to the point.”


Kampi naman ang ibang netizens sa pag-iimbestiga ni Sen. Bato sa mga nawawalang 34 sabungero.


“Let's say, call the bluff na! Show up in that time and place and then what?? Lilitaw ba ang mga nawawalang sabungero after that?”


“The senator may not have the excellent way of questioning but one thing's for sure. He is doing his job and that is investigating the missing sabungeros who are all connected with their E-sabong biz. Now, kung wala namang itinatago sina Gretchen, bakit s'ya kabado and resorting to insulting?”


Sabeee?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page