ni Nitz Miralles @Bida | Oct. 27, 2024
Kinol-out ng mga netizens ang attention ni Yassi Pressman dahil idine-delete raw nito ang mga nega comments nila tungkol sa nag-viral na photos ng aktres at ng boyfriend nitong si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte. Tanong ng mga netizens, bakit idine-delete ni Yassi ang mga comments nila?
Marami raw itong na-delete na comments, kaya pala hindi na namin nabasa ang mga naunang comments na ang sasama ng sinabi laban kay Yassi.
Okey na ‘yung nabasa naming comments na “shameful” at “nega queen,” pero ‘yung iba, sobra yata ang galit kay Yassi.
Kahit nilinaw at ipinaliwanag na ng kapatid ng gobernador na si Cong. Lray Villafuerte na nakabalik na sila sa CamSur mula sa Siargao bago pa manalasa si Bagyong Kristine, ayaw maniwala ng mga netizens. Damay sa galit nila si Yassi na hindi na raw welcome sa CamSur.
Papayag ba si Luigi na hindi na papasukin sa CamSur ang girlfriend niya?
Deserving daw, Pia… HEART, TUMANGGAP NG FASHION ICON AWARD SA DUBAI
SPOTTED sa Dubai si Heart Evangelista at nandu'n siya to receive her Fashion Icon award from Fashion Factor.
Anila kung bakit si Heart ang napili nila sa nasabing award, “We are proud to honor Heart Evangelista with the esteemed Fashion Icon Award. A true style visionary, her passion for fashion shines in every day of her life. Heart’s world is both remarkable and inspiring; she is not just a fashion icon but also a generous advocate for others. Always concerned for those around her, her thoughtful approach leaves a lasting impact.”
Ginawa ang Fashion Icon Award sa Media City kahapon at ngayong araw, October 26-27, at sinabing celebration ng “extraordinary contributions to the fashion world.”
Ikinatuwa ito ng mga fans at supporters ni Heart. At last, na-recognize raw siya ng fashion organizations sa Middle East. Deserve raw ni Heart ang award at happy sila sa panibagong pagkilala sa aktres.
Anyway, kagabi ang pilot ng limited reality series ni Heart na Heart World (HW) at ilang Saturdays itong mapapanood sa GMA-7.
Very proud nitong ini-announce na starring siya sa series at siya rin ang producer.
PINURI ni Ogie Diaz si Aiko Melendez sa pagtulong nito sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol. Ang kapuri-puri kay Aiko, hindi lang sa kanyang distrito siya tumulong at tutulong pa dahil mga taga-Bicol ang kanyang tinulungan.
Sey ni Ogie, “Buti pa si Aiko Melendez. ‘Di lang sa District 5 ng QC nakaisip tumulong at humingi ng suporta. Ipapadala niya lahat ‘yan sa Bicol.”
Ang daming nag-donate at sabi ni Aiko, “Lahat po ng goods namin ay ide-deliver namin bukas sa Ateneo de Naga. No political affinity, para po makakasiguro po na lahat ng idinonate ay makakarating sa mga higit na nangangailangan po. May nirentahan po kaming truck na aalis po ng aming headquarters po bukas.”
May panawagan din si Ogie sa mga tatakbong senador at partylist.
“Oh, ‘yung mga tatakbong senador d’yan at partylist, eto na ang pagkakataon n’yo para tulungan ang CamSur. Para patunayan kung talagang para sa tao kayo.
Lalo na ‘yung mga nakaupo doon, baka may mga resibo ng pagtulong, pag-ayuda at pag-rescue kayo na puwedeng ilabas para hindi kayo nadya-judge, ilapag na rito.”
INILABAS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang listahan ng horror movies na mapapanood sa Araw ng Undas.
Ang pelikulang Talahi ay nabigyan ng R-13 ng MTRCB Board Members (BMs) na sina Eloisa Matias Antonio Reyes at Fernando Prieto.
R-13 din ang Venom: The Last Dance (VTLD) ng Marvel at The Fix (TF) ng Pioneer Films. Mga edad 12 at pataas lang ang puwedeng manood.
Ang Vina: Before 7 Days from Indonesia at Alice na tungkol sa Artificial Intelligence ay R-16. May edad na 16 at pataas lamang ang puwedeng manood.
Ang Friendly Fire (FF) na locally produced at naipalabas sa Hawaii International Film Festival ay Rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang). PG din ang Jackie Chan movie na Panda Plan at ang Japanese animated film na The Colors Within.
Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na ang masusing pagre-review ng pelikula ay base sa Presidential Decree No. 1986 o ang MTRCB Charter.
“May sinusunod din kaming seven-point framework. At ang pinakaimportante sa lahat, ginagamit namin ang takdang moralidad base sa kulturang Pilipino,” sabi nito.
Comments