ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 27, 2024
Nasaksihan ni yours truly kamakailan kung paano alagaan at alalayan ni John Rendez si Superstar Nora Aunor, lalo na nu’ng pumunta sila sa isang sulok ng madilim na backstage at naupo sa may gilid with no chairs at all.
Naganap ito sa katatapos lamang na PMPC 40th Star Awards for Movies sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University sa Katipunan, Quezon City.
Nang tinawag na si Ate Guy para pumunta sa stage ay kinarga pa ni John ang Superstar paalis sa gilid ng madilim na backstage at alalay to the max itey kay Ate Guy para marating ang stage na pinagdausan ng nasabing okasyon.
Sa stage naman ay nagkita, nagkatabi at nagkausap saglit ang mag-ex na Nora Aunor at Christopher de Leon na tumanggap din ng parangal that night bilang Dekada awardee.
'Kaaliw tingnan ang dating mag-asawa sa stage na magkatabi at nag-uusap na uli, na puwedeng hiramin ang title ng isang old movie na The Ex and Why’s, boom, ganern!
Kunsabagay, maliit lang ang mundo ng ating showbiz industry, kaya hindi maiiwasan na magkita ang mga ex-labs, 'ika nga.
At kung wala namang "ex" ay hindi kumpleto ang ating alphabet, boom, ‘yun na!
Comments