ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | November 7, 2020
Mabuti naman pala na kahit feeling ni Angel Locsin ay naha-harass na siya at ang kanyang pamilya dahil sa pag-red-tag sa kanya at sa kapatid na si Ella Colmenares bilang NPA, meron pa rin siyang makakapitan sa oras na kailangan, 'ika nga.
At 'yan ay walang iba kundi si Sen. Panfilo Lacson! Yes, si Sen. Ping na umaming isa siya sa mga 'ninong' dapat sa naudlot na kasal nina Angel at Neil Arce.
Ikinatuwa raw ni Sen. Ping na marinig mula mismo sa isang opisyal ng militar na hindi miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kanyang future inaanak sa kasal na si Angel.
Nauna na rin namang nagsalita si Angel para itanggi ang paratang at mga akusasyon sa kanya at sa kanyang pamilya.
At dahil ninong-to-be niya si Sen. Ping, tiyak namang hindi siya pababayaan nito laban sa ilang nag-aakusa sa kanya.
Kaya, for sure, ang sigaw ngayon ni Darna, "Ping (Ay, napalitan na si Ding!), ang batooooh!" boom ganern!
Comments