top of page
Search

Titig na titig sa Miss U Phils. winner, nag-viral…

BULGAR

ALDEN, GINAGAMIT DAW SI RABIYA MATEO PARA I-PROMOTE ANG CONCERT

ni Nitz Miralles - @Bida | November 6, 2020




Dahil sa picture ni Alden Richards na nakatingin kay 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo nang mag-guest sa Eat... Bulaga! sa Bawal ang Judgmental segment, nagkaroon na naman ng bagong isyu sa Asia’s MultiMedia Star.


Kesyo nagpapakilig daw ang aktor at gustong pag-usapan pati ang upcoming December 8 virtual-reality concert niyang Alden’s Reality.


Hala! Malay ba ni Alden na maipo-focus sa camera ang pagtingin niya kay Rabiya at may makaka-save noon at ipinost sa social media. Saka, lahat naman siguro ng nasa studio ng EB! ay tumingin din kay Rabiya dahil curious sa hitsura nito. Nagkataon lang na si Alden ang natiyempuhan ng camera.


Samantala, pinaabangan ni Alden ang release ng kanyang bagong single under GMA Music. Nag-recording siya noong isang araw at ilang araw pa, mapapakinggan na ang single niya.


Also, para sa early promo ng Alden’s Reality, may Twitter Q&A si Alden with his fans sa November 9 at 5 PM. I-tweet lang ang inyong mga tanong at sasagutin lahat ni Alden. Lahat daw ay puwedeng itanong, kaya sali na!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page