ni GA @Sports | November 8, 2023
Mga laro sa Huwebes
(Philsports Arena)
12:00 n.t. – Gerflor vs F2 Logistics
2:00 n.h. – Galeries vs PLDT
4:00 n.h. – NXLed vs Chery Tiggo
6:00 n.g. – Creamline vs Petro Gazz
Nilipad ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang ika-apat na sunod na panalo upang makisalo sa four-way tie kasunod na mabilis na walisin ang NXLed Chameleons sa iskor na 25-11, 25-20, 25-19 sa unang laro ng triple-header kahapon sa 6th Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Naging mahusay na pagtitimon sa panalo ng Flying Titans si ace playmaker Deanna Wong na namahagi ng kabuuang 20 excellent sets upang maging pangunahing tagapagsimula ng atake ng Choco Mucho upang mabiyayaan si leading scorer Cherry Ann Rondina ng 16 puntos mula sa 14 atake at dalawang blocks, gayundin ang 12 excellent digs at pitong excellent receptions tungo sa 4-1 kartada para sa ika-apat na sunod na panalo, katabla ang Petro Gazz Angels, PLDT High Speed Hitters at Chery Tiggo Crossovers na naghahanda sa magandang pwestuhan patungo sa semifinals round.
“Coming to the match syempre laging sinasabi nila coach is yung sistema lang talaga, game by game it works, pero syempre there’s always room for improvement. Masaya and grateful kami sa panalo na ito with the guidance of the coaches and the management and team mates namin, pero may mga susunod na games pa, kaya whatever yung nangyari sa court kanina, kung anong pwede naming matutunan, dadalhin namin sa susunod pang games,” pahayag ng 25-anyos mula Minglanilla, Cebu, na naging malaki umano ang nagawang pagbabago sa kanyang laro sapol ng mahawakan ni coach Dante Alinsunurin ay coach Jessie Lopez.
Comments