top of page
Search
BULGAR

Tisay na kamukha rin ni Priscilla… JOHN, TODO-DISPLEY NA SA BAGONG BABAE

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Nov. 2, 2024



Photo: John Estrada - Instagram


Mukhang no second chance na talaga sa mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles dahil idini-display na raw in public ng Batang Quiapo actor ang kanyang bagong “apple of my eye”.


Nag-viral nga ang ilang pictures ni John kasama ang sinasabing bagong girlalu nito na hitsurang foreigner din dahil tisay at matangkad at hawig pa nga kay Priscilla.


As expected, kahit pa una nang nabalitang hiwalay na sina John at Priscilla, na-bash pa rin ang aktor dahil ang paniwala ng mga netizens, ang pagiging womanizer na naman ni John ang dahilan ng paghihiwalay nila ng beauty queen na misis. 


Ilan sa mga komentong nabasa namin sa socmed kasabay ng paglabas ng picture ni John at ng kanyang rumored new GF, tumanda na lang daw ang aktor nang hindi na nagbago at ‘di na talaga magbabago.


May mga nagsabi pang ‘di talaga makuntento si John at sakit na nito ang pambababae. 

Nakakatawa namang pati sina Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral ay nadamay pa dahil may bago raw silang karibal kay Rigor (karakter ni John sa BQ). 


Well, abangan na lang natin ang reaksiyon ni Priscilla ngayong lantaran nang inirarampa ni John ang kanyang bagong girlalu. 


 

Baon lang daw ang ibinibigay ng padir…

ANAK NI WILLIE, NAGING TAGALINIS PARA MAKABILI NG KOTSE




FIRST time naming na-meet in person at naka-one-on-one interview ang unico hijo at bunsong anak ni Willie Revillame na si Juan Emmanuel Revillame a.k.a. Juamee last Thursday (Oct. 31).


Nag-birthday last Oct. 30 ang 19-year-old son ni Kuya Wil sa ex-wife na si Liz Almoro at imbes nga magpa-party, naisip daw ni Juamee na gayahin ang pagtulong ng kanyang ama sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong kaya ‘yung pa-birthday sa kanya ng ama ay ibinili na lang nito ng food packs at mga gifts para sa mga cancer patients sa National Children's Hospital sa QC.



Nag-solicit din si Juamee sa kanyang mga kaklase na isinama rin niya sa gift-giving nila sa NCH.


Wala si Kuya Wil that time kaya ang mga trusted staff niyang sina Wheyee Lozada at Ms. Dada Cruz ang umalalay kay Juamee sa pagbibigay ng food packs at pagpapasaya sa mga batang pasyente.


Nakausap namin si Juamee after ng gift-giving at naikuwento niya na hindi naman ito ang first time na gumawa siya ng charity event. Third time na raw niya ito at last time ay mga lolo at lola naman ang pinasaya niya, na siyempre ay inspired sa kanyang ama na bata pa siya ay nakikita na niyang tumutulong.


Tinanong nga namin si Juamee at biniro kung generous din bang daddy sa kanya ang kanyang Papa Willie.


Pagpapakatotoo naman ng bagets, kung disciplinarian boss si Willie sa kanyang mga staff sa Wil To Win, ganu'n din ito magdisiplina sa kanya.


Although binibigyan naman daw siya ng baon o food allowance ng ama, kinailangan niyang magtrabaho bilang tagalinis ng jetski at naging car sales agent at the age of 16 bago siya nakabili ng kanyang first car.


Tough love raw talaga ang style ni Kuya Wil, though hindi naman ito nagkulang financially at sa oras kahit pa super busy nito bilang TV host at businessman.


Ang dami pang ikinuwento sa amin ni Juamee tungkol sa kanya at sa relasyon nila ng amang si Kuya Wil na panoorin n'yo na lang sa aming exclusive interview sa kanya sa eBulgar YouTube Channel.


 

NA-HOT seat si Sen. Alan Peter Cayetano sa birthday episode niya sa CIA with BA last Oct. 27.


“Debate sa Senate o debate kay misis?” isa sa mga tanong na sinagot ni Sen. Alan sa episode ng CIA with BA sa espesyal na edisyon ng segment na Payong Kapatid bilang selebrasyon ng kanyang kaarawan.


Ang tanong ay mula kay Angelo Borlongan, isang pulis na minsang itinampok sa segment na Salamat.


“Mas madali sa Senate. Kahit papa’no, may panalo ako du’n sa debate. Kay misis, kahit panalo, talo pa rin. Kay misis, pakiusap, hindi debate,” biro ni Sen. Alan.

Isa pang tanong ang nagmula kay Mocha Uson: “Paano ba maging feeling young forever? Ano’ng sikreto mo?”


Seryoso itong sinagot ni Sen. Alan, “Ang dami kong gustong sabihin pero bottomline [is] tiwala lang sa Panginoon. Live by faith, not by sight.”


Nagbigay naman ng mas seryosong tanong si Jimmy Bondoc: “Is being a Christian an asset or a liability in the political world? I really want to know.”


“It’s not about being an asset or a liability. It’s really what you value. So to me, seeking God’s kingdom, being a Christian, is everything. If you go into public service and you have to give that up, public service is not worth it,” sagot ng senador.


Bilang pagtatapos, sinabi ni Cayetano, “This birthday, I know it’s special, but there are so many people struggling din so I hope Ate [Pia], Kuya Boy, myself, the show, our family can also be a gift to you. We hope to continue to do more through CIA with BA.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page