ni Rikki Mathay - @Tips Pa More | November 21, 2021
Unti-unti nang nanunumbalik ang dating buhay bago magpagdemya, ngunit alam din natin na mahirap maibalik sa normal ay ang nawalan at naapektuhang mga negosyo mula sa malalaking kompanya hanggang sa mga sari-sari store.
‘Eto ang ilang pangkabuhayan tips para sa mga nais magnegosyo:
Una sa lahat, ‘wag mag-panic! Tandaan, hindi ka nag-iisa sa paglubog ng ekonomiya.
Alamin kung ano ang iyong hilig at isipin kung paano ito magiging negosyo.
Magsaliksik kung paano magagamit ang mga online o digital na social media accounts, tulad ng Facebook, Instagram at iba pang libreng online apps, tulad ng Marketplace at Carousell. Libre ang paggawa ng website ngayon hindi tulad noon na napakamahal nang kailangang bayaran upang makapagbenta sa pamamagitan ng internet.
Nang dahil sa pandemya at ang kasabay nitong lockdown, sumikat ang online selling dahil bukod sa wala namang kailangang renta sa puwesto at mataas na sahod ng mga empleyado, napakadali nito para sa mga mamimili. Ayon na rin sa mga eksperto, ang pagtatapos ng pandemya ang panahon nang ganap na pagyakap ng mga mamimili sa online selling at shopping. Kung kaya’t ang susunod na tip ay kung meron ka nang negosyong hindi pa online.
***
Sa pag-iikot natin upang mamigay ng mga ayuda sa ika-anim na distrito ng Quezon City, tuwang-tuwa tayo dahil ang daming maabilidad na taga-Kyusi ang hindi nagpatalo sa pandemya, bagkus ay naging mga successful entrepreneurs o negosyante pa!
Isa na ang scramble stand sa loob ng Garan Compound, Campo Dos, Barangay Talipapa.
Dahil sa tindi ng init ng araw habang namimigay kami ng mga ayuda sa loob ng Campo Dos, nakita namin ng kaibigan nating si Jem Castelo ang mala-resort na puwesto, at ang mas good news para sa amin, isa pala itong bahay na ginawang restoran noong kasagsagan ng pandemya. Nagsimula sa masarap na scramble, ngayon ay hindi na nawawalan ng kustomer dahil sa mga idinagdag nilang ibang meryenda, tulad ng kwek-kwek, cheese sticks, kikiam at iba’t ibang sandwich.
Inayos lang nila ang labas na kanilang bahay, nagsabit ng mga ilan para sa isang mala-Boracay na feels, at naglabas ng mesa at ilang upuan. Ang nagpa-bilib sa akin ay ang gimmick nilang DIY Scramble Set sa murang halaga na maaaring ma-order sa kanilang Facebook page na DJG Food Corner, at ihahatid sa inyong tahanan. Pandemya man, patuloy ang pagsusumikap ng mga taga-Kyusi na maibsan ang kahirapang dulot ng lockdown!
Kung kayo o kung kayo ay may kakilalang nakararanas nito, mag-email lamang sa atin sa mathayrikki@gmail.com para sa mga numerong puwede ninyong tawagan, o sumangguni sa crisis hotline numbers ng Department of Health 1553 - Luzon wide landline toll free Globe/ ™ - 0966-351-4518/ 0917-899-8727 Smart/ SUN/ TNT Subscribers - 0908-639-2672
Comentarios