top of page
Search
BULGAR

Tips para mas makatipid sa gastusin at mapaliit ang monthly bills

ni Jersy Sanchez - @Life & Style| March 7, 2021






Ayaw paawat ng pagtaas ng bilihin!


Kaya tuloy kahit necessities na lang ang laman ng iyong shopping cart, magugulat ka na lang dahil minsan, lagpas pa ito sa budget. Kaya ang ending, mai-stress ka kung saan kukuha ng pambayad sa iba pang bills dahil nagalaw ang budget.


Gayunman, para iwas-stress at epektibong pagba-budget, narito ang ilang tips para mas makatipid at mapababa ang inyong bills:


  1. MAGPALIT NG HOBBIES. Knows n’yo ba na ang ating hobbies ay isa ring dahilan ng pagtaas ng bills? Yup, beshy! Kaya kung ang hobby mo ay ang panonood ng TV shows, paglalaro ng mobile games buong araw o magdamag, it’s time para sumubok ng ibang hobbies. May mga hobby na nakakarelaks at hindi kailangan ng gadgets at mobile data, kaya for sure, malaking tulong ito sa inyo, lalo na kung nagtitipid ka. Ilan sa hobbies na ito ay ang pagdo-drawing, pagsusulat at gardening. Knows n’yo ba na puwede rin itong pagkakitaan?

  2. MAGING ABANGERS SA MGA SALE. Tutal, mahilig naman tayong mga Pinoy sa sale, ‘wag nating palampasin ang monthly sales sa online selling platforms at mall. Pero siyempre, dapat ay mga kailangan ang ating bibilhin at hindi kung anu-ano lang. Kung mas trip mo ang online shopping, maging wais sa pamamagitan ng palaging pagtse-tsek ng reviews at ratings ng shop para maiwasan ang pagkadismaya sa mga matatanggap na items.

  3. BUMILI NG MARAMIHAN. Isa ito sa mga classic tip kung gusto mo talagang makatipid. Kaladasan kasi, mas mabababa ang wholesale price kesa sa pagbili ng paisa-isa. Pero beshies, bago bumili ng maramihan, make sure na sulit ito at talagang magagamit. Tipid ka na sa budget, less-effort din sa pagpapabalik-balik sa tindahan o grocery.

  4. SUNDIN ANG MEAL PLAN. Knows n’yo ba na mas makatitipid kayo kung base sa weekly meal plan ang gagamitin n’yong listahan? Ito ay dahil maiiwasan ang overbuying o pagkukulang sa ingredients kung alam mo na kung anu-ano ang mga kakailanganin mo sa buong linggo. Kung may mga plano ka nang lutuin, ilista naman ang ingredients nito at ito na ang iyong magiging listahan.

  5. PAG-ISIPAN ANG INTERNET AT DATA PROMOS. Kung ikaw ay estudyante at hindi puwedeng mawalan ng internet connection, it’s time para mag-isip kung paano mas makakatipid sa data. Mas makakatipid ba kung kukuha ng monthly subscription o magpapaload ng minimum of P50 per day?

  6. VOUCHERS AT COUPONS PA MORE. For sure, marami na kayong naipon nito kaka-online shopping. Kaya para tipid, make sure na gagamit kayo nito, pero bago mag-checkout, itsek ang mechanics ng coupon o voucher. Halimbawa, may minimum spend bago maka-free shipping o kaya naman, piling produkto lang ang covered ng coupons.

  7. ‘WAG CHOOSY SA BRAND. Sey ng experts, ang mga gamot na branded at generic brands ay may parehas na active ingredients na gumagamot sa sakit, kaya oks lang talaga na uminom ng generic brands lalo na kung tight ang budget. Gayundin, hindi lang gamot ang may generic brands dahil sa mga supermarket, mayroong “value brands”. Halos lahat ng basic necessities tulad ng pagkain, gamit sa pagluluto o paglinis ng bahay ay mayroon nito.


Sa lahat ng pagkakataon, mabuting magkaroon ng kaalaman sa “tipid hacks”. Tumaas man ang bilihin, hindi ka mahihirapang magtipid at kung mababa naman, ayos din dahil patuloy kang makakatipid.


Kaya mga beshy, ‘wag n’yong kalilimutan ang mga tips na ito at ibahagi na rin sa inyong mga kapamilya at kaibigan para sama-sama tayong makatipid ngayong 2021. Okie?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page