top of page
Search
BULGAR

Tips para mahikayat magtanim ng puno at halaman ang mga kapitbahay

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 28, 2020




Panahon na para ibalik natin ang lupang kinatitirikan ng ating tahanan sa mga halaman at punongkahoy na lingid sa ating kaalaman na dating lugar na madawag o magubat. Sinasabing ang pagbabago ay nagsisimula sa tahanan, pero paano kung may magagawa ka palang napakahalagang pagbabago bilang bahagi ng isang pamilya sa komunidad? Ano ba ang kailangan? Lahat tayo ay nabubuhay sa iisang mundo, responsable para sa kalusugan at kalinisan ng ating kapaligiran.

Kung isa ka sa mga taong nais na magkaroon ng malinis, maayos, luntian, mahalaman at mapuno ang kapaligiran ay dapat nagkakasundo ang bawat isa, maiwasan ang masamang polusyon at mabigyan ng malinis na hangin ang mga bata, bakit hindi pairalin ang tamang eco-friendly attitude o ang mapangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng tamang mga halaman at gawing luntian ang buong komunidad.


Kapag naging aktibo ka sa ganitong pagkilos, matuturuan mo kung paano palawakin pa ang kampanya at mabanggit ito sa iyong mga kaibigan.


  1. Kung hindi gaanong makalabas, bigyan na ng oras na makausap ang mga kapitbahay sa online chat at matutunan kung anu-ano ang kanilang mga kailangan at kagustuhan para sa kapaligiran. Alam natin na sa panahon ngayon ay nauuso ang paghahalaman ng mga nasa urban areas tulad ng Metro Manila. Magandang simulain iyan. Kung noon, marami ang wala nang panahon dahil busy na sa trabaho at sa gabi para makipagkapitbahay pa, nagmamadali pa para magluto ng hapunan o almusal. Ngayon ay magkaroon ng oras na makausap ang mga kapitbahay at maging alisto sa mga taong interesado sa kanyang kapaligiran.

  2. Magtanong. Makipag-usap sa kapitbahay hinggil sa mga unang hakbangin na dapat gawin upang gawing luntian ang kapaligiran. Tingnan kung ano ang kanilang opinyon kung ano ang kanilang maitutulong para sa kapaligiran. Sa totoo lang marami naman ang gustong magkaroon ng luntian at maberdeng kapaligiran, lamang ay wala silang paraan para maumpisahan ito.

  3. Makipagkompetensiya. Gawing ekstrang malusog ang kompetisyon lalo na kung kailangang makakompetensiya ang ibang barangay para sa luntiang kapaligiran. Kung minsan sa ganitong mga aktibidad ay may kaunting insentibo at premyo para sa mananalo. Kaya naman ang lahat ay maaari nang maging interesado.

  4. Bumili ng mga inaning sariwang gulay at prutas mula sa bakuran ng kapitbahay. Sa paraang ito ay makatutulong ka sa kanila, hindi ka na mamamasahe pa at magsasayang ng mahabang oras para mamalengke.

  5. Lumahok. Magsaliksik at alamin kung anong mga komunidad sa lugar ninyo ang aktibo para sa luntiang kampanya. Marami namang mga organisasyon o pulitikal na grupo ang may layunin sa ganitong uri ng kampanya. Dahil mayroon silang tulong na nakukuha mula sa gobyerno.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page