ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 23, 2021
Maaaring gusto na talaga ng bata na humusay sa current events dahil sa ito ang madalas niyang problema tuwing may class discussions sila sa subject na iyon. Heto kung paano matutulungan ang anak hinggil sa current events at magkaroon ng malawak na kaalaman hinggil sa world events.
1. Sabihin sa kanya na ang isang balita ay iyong walang halong mga nagigimbal na larawan o bayolenteng mga eksena. Ang mga pampublikong programa sa telebisyon, sa social media man o pahayagan ay iyong mga tipo na angkop para sa mga bata na panoorin, hindi peligrosong basahin at hindi nakaka-shock at nakasisira ng kaisipan ng isang bata.
2. Ipaliwanag sa regular na paraan ang current events sa bata. Palagiang mahalaga na matulungan ang bata na isipin ang hinggil sa mga istorya na kanilang naririnig. Magtanong ng maraming bagay gaya ng: a. Ano ba ang naiisip mo hinggil sa naturang pangyayari? b.Bakit ito nangyari? c.Paano mo ba naisip na ito ay nangyari? Ang pagtatanong ng ganito ay nakahihikayat sa anumang talakayan ninyong dalawa ang tungkol sa nangyari bagamat hindi man hinggil sa balita ang paksa ng inyong pag-uusap.
3. Ilagay ang news stories sa tamang pagkakataon. Upang matulungan ang bata na magkaroon ng kabuluhan ang kanyang mga naririnig, ipakita sa kanya na ang isang pangyayari ay puwedeng may kaugnayan sa iba pang bagay at sikaping maipaliwanag nang mabuti sa kanya, ayon sa abot ng iyong pagkakaunawa sa balita.
4. Manood ng balita na kasama ang bata sa lahat ng oras at sikapin mong salain ang mga kuwento na angkop lang sa kanyang nauunawaan at malayo sa kanyang katatakutan.
5. Magkaroon ng gabay kung nararapat at iwasang ipakita ang mga palabas na hindi angkop para sa edad ng isang bata o antas ng kanyang paglago.
6. Kung dama mo na hindi ka komportable sa nilalaman ng balita o hindi ito ayon sa antas ng bata, i-off na ito.
7. Pag-usapan lamang ang magagawa para umasiste. Sa ilang kaso gaya ng mga nagaganap na kalamidad, magkakaroon ang bata ng kontrol at higit na dama niya ang seguridad lalo na kung hahanap ka ng ibang paraan upang makatulong sa mga taong apektado.
ความคิดเห็น