top of page
Search
BULGAR

Tips para ma-enjoy ang retirement nang ‘di umaasa sa anak

ni Justine Daguno - @Life and Style | October 1, 2020




Retirement ang isa sa mga stage ng buhay na pinakahihintay ng marami sa atin. Ito ‘yung pagkakataon kung saan sa wakas, ie-enjoy mo na lang ang buhay, pa-bakasyon-bakasyon na lang dahil wala nang stress sa work, napa-graduate na ang mga anak, at iba pa.


Pero, hindi lahat ay ganito ang kinalalabasan ng kanilang ‘retirement’, at ang dahilan ay walang sapat na ipon o hindi nakapag-ipon. Kaya ang ending, umaasa na lang sa mga anak, umaasa na lang sa sinuman na makapagbibigay sa kanila.


Well, anu-ano nga ba ang mga dapat gawin upang mae-enjoy ang retirement nang hindi umaasa sa ibang tao?

  1. ‘WAG UMASA SA ANAK. Isang kaugalian nating mga Pinoy na dapat mabago ay ‘yung tipong ginagawang ‘retirement plan’ ang anak. Palalakihin, pag-aaralin at kapag nakapagtrabaho na ang mga ito, oobligahin na para tulungan tayo—in short, sa kanila na lang aasa. Well, sa ibang punto ay oks lang ito bilang “pagtanaw ng utang na loob”, pero paano kung hindi umayon sa plano ang lahat? Paano kung wala rin silang naipon o sapat na kita? Pare-pareho kayong ‘nganga’ niyan.

  2. IPRAYORIDAD ANG PAG-IIPON. Bago gumastos sa luho, bisyo o kung anu-ano, siguraduhin munang may naitabi na para sa savings, emergency fund at retirement fund. ‘Wag maging ‘one day millionaire’ na kapag sumuweldo, gasta na lang nang gasta. Walang problema sa pag-e-enjoy sa perang pinaghirapan, pero dapat ‘wag itong i-enjoy nang pansamantala lang, kundi paabutin hanggang sa retirement period.

  3. MAG-INVEST NANG TAMA. Kahit magdamag pa tayo mag-work bilang minimum wage earner, hindi ito sapat para punan ang lahat ng ating pangangailangan—sa kasalukuyan at sa future. Kaya naman, dapat matutunan nating mag-invest. Oks ito dahil kahit natutulog ka, gumagalaw ang iyong pera. Mag-research o humingi ng payo sa mga propesyunal o sa mga taong may sapat na kaalaman tungkol dito.

  4. ‘WAG MAGING PADALOS-DALOS. Habang tumatanda, marami tayong gustong subukan—try ng ganito, invest sa ganyan. Puwede naman ‘yun, pero dapat nating tandaan na ang bawat desisyon ay may kasamang responsibilidad. Alamin munang mabuti ang isang bagay bago ito pasukin, palaging mag-ingat sa mga mapagsamantala. Walang may gustong mapunta lang sa wala ang bawat sentimo na pinaghirapan mo, dahil malaking ambag ‘yan para magkaroon ka ng magandang buhay-pagreretiro.

Aminin man natin o hindi, kasabay ng pagtanda ang kabawasan sa iba’t ibang kapasidad tulad ng energy, time, etc., kaya dapat palagi tayong nag-iisip nang maayos. Magkaanak man tayo o hindi, hindi magandang umaasa sa iba. Sa totoo lang ay masarap mag-retire nang hindi nakakaabala o nangpe-pressure ng iba. Gets mo?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page