top of page
Search
BULGAR

Tips para iwas heat stroke at dehydration

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 20, 2021




Mag-ingat po tayo sa pagtama ng heat stroke bunga ng sobrang init ng panahon. May isang magkaibigan daw na minsang sabay silang naglalakad sa isang katanghalian. Napansin ng isa na parang namutla ang kasama niya at hindi na nagsasalita at nang tanungin niya ito kung okey lang ba ito, pero ‘di sumasagot.


Ang ginawa niya, pinaupo niya ito sa isang malamig na lugar at saka siya tumakbo sa isang tindahan para bumili ng iced water. Pinahawak niya ito sa dalawang kamay ng kaibigan niya at saka niya pinainom ito ng tubig na naka-straw. Hindi siya pinapawisan gayung sobrang inittttttt. Heat stroke na pala!


Heto kung paano natin maiiwasan ang ganitong insidente maging ang dehydration!

a. Unang-una kailangan nating malaman ang senyales ng heat stroke at dehydration. Marami ang nahihirapan na sabihin kung heat stroke na ito o heat stress dahil sa dehydration. Kaya dapat nating obserbahan ang sintomas nito bago pa man mag-collapse at humantong sa kamatayan:


1. Nadarama ang sobrang uhaw.


2. Natutuyo ang mga balat pero hindi naman pinapawisan.


3. Pagod at parang mabagal ang pagkilos, nanghihina ang mga paa, nanghihina ang buong katawan.


4. Nahihilo o nasusuka, sumasakit ang tiyan.


5. Parang lumulutang ang pakiramdam ng ulo.


6. Nalilito at parang nagha-hallucinate.


7. Nanunuyo ang bibig at ilong.


8. Malakas ang tibok ng puso at nahihirapang huminga.


9. Hindi na maihi.


10. Sumasakit ang ulo.


11. Mataas ang temperatura ng katawan.


12. Nanginginig at nawawalan na ng malay! Kailangan nang itakbo sa ospital!


Para maiwasan ang heat stroke, muli para maiwasan ang isa o dalawa sa nabanggit ang nararamdaman:


1. Uminom ng maraming tubig kapag maraming gagawing bagay sa labas ng bahay. Uminom ng tubig at sports drink, iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks at alak.


2. Magsuot ng magaan, light colored, open weave, at loose-fitting na damit.


3. Magtrabaho maglaro sa mas maaga sa umaga habang malamig. Ang delikadong oras ng araw ay karaniwang alas 10 ng umaga hanggang 4 pm.


4. Gumamit ng sombrero, sunglasses o payong kung tatayo ng matagal sa arawan. (Gumamit din ng sunblock) Mas mainam na lumayo sa direktang araw lalo na kung sobrang kainitan.


5. Isanay ang katawan sa init nang dahan-dahan sa umaga bago pa man na tumindi ang init para hindi ka mabigla.


6.Habang nasa labas, magpahinga, sumilong sa malamig na lugar at uminom ng maraming tubig at ispreyan ng tubig ang buong katawan.


7. Manatili na lamang sa loob ng bahay kung sobrang init sa labas.


8. Huwag kang biglang lalabas sa initan, dahan-dahan munaaaa, huwag magmadaliiiii, magpalamig munaaaaa!


9. Iwasan ang mga maiinit at mabigat na pagkain kapag nasa initan ka.


10. Iwasan ang maaalat na pagkain! Mahihirapan kang pawisan nito.


11. Gumamit ng electric fan kung wala kang airconditioning unit o kaya ay lagyan ng yelo ang cooling fan.


12. Kung sobra talagang init, maligo ng malamig na tubig at maglunoy sa bath tub---ahhhhh ang sarap! Tutukan ang sarili ng electric fan. Higit na madali kang malalamigan sa paliligo kaysa ang magpatutok sa hangin.

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page