Masasabing nasa iba’t ibang antas ang pagdaan ng isang tao sa emotional eating. Mula sa pagiging bagot kapag dumaraan ang tao sa napaka-stressful na sitwasyon ay kain nang kain kahit na hindi naman talagang gutom. Ang mga sumusunod ay ilang tips para matulungan kang maiwasan ang sobrang kumakain kapag masama ang loob.
1. Kapag nababagot at parang gusto mong kumain, mas subukang palitan ang pagkatakaw sa iba pang uri ng gagawin. Ang isang magandang hobby para mas maging abala pa ang isipan ay sa isang trabaho na makapagdaragdag ng iyong income ay mas mainam.
Gumawa ng pagsasaliksik sa isang bagay na siyang ikasisiya mo at kikita ka ng pera para lumago ang iyong kapital.
2. Maglaan ng isang pitsel ng tubig sa refrigerator. Kapag dama mong gusto mong kumain, uminom na lang ng tubig. Ipinakita sa pag-aaral na marami ang dehydrated araw-araw dahil hindi nila alam na ang pagkain lang ng burger ang alam gawin kapag nababagot imbes na nauuhaw lang pala siya.
3. Kung highly stressful ang trabaho, napakadaling bumili ng pagkain kahit saan, magpabili sa karinderya o kaya ay tatakbo agad sa vending machine at magpapa-order sa fast food. At dahil paulit-ulit itong ginagawa, tataba ka lalo na’t palagi ka lamang nakaupo. Kung hindi ka rin lang kakain ng masustansiya sa araw-araw na routine at hindi magagawang mag-ehersisyo kahit 30 minutos ng tatlong beses sa isang linggo, patuloy kang tataba sa halip na isipin kung paano uumpisahan ang intense workouts para magpababa ng timbang.
4. Isipin na kapag matabang-mataba ka na, mahihirapan kang ibalik na muli ang gustong timbang sa isang tulog lamang.
Ang napakahalagang bagay ay manatili kang kumikilos araw-araw at imbes na pumili ng malalaki at hindi masustansiyang pagkain, makasasama ito sa iyong katawan. Ang maging alisto sa ginagawa sa halip na bugbugin ang sarili sa nakababagot na bagay ay hindi makatutulong sa kalusugan.
Totoong habang tumatanda tayo ay napakaraming mga mahihirap na sitwasyon tayong sinusuong sa buhay, kaya hindi sagot ang magtakaw kapag nag-aalala ka. Kailangan mong baligtarin ang sitwasyon sa mas positibo. Para magsumikap kang magbago mula sa isang bahagi ng buhay na namomroblema, ikaw pa rin ang pipili ng tama para sa sarili. Kaya mainam na sundin ang tips na ito.
5. Kung maaari, humanap ng kaibigan o mentor na makatutulong para manatili kang malusog sa iyong mga gawain at adhikain sa buhay.
Mainam nang maibahagi mo rin sa ibang mapagkakatiwalaan ang iyong saloobin imbes na kumain ka nang kumain para lamang mawala ang stress at sama ng loob. Napakahalaga ito sa oras na dama mo na hindi ka nagbabago.
Ang pagdarasal mula sa mga bagay na nagpapasama ng loob mo at nagpapa-stress sa iyo ay mas mainam, bukod din naman sa ehersisyo at pag-inom ng tubig sa halip.
Comments