ni Mabel G. Vieron - OJT @Life & Style | April 22, 2023
Problemado ka rin ba kung paano mo mapapaganda ang iyong kutis? Hindi na kailangang gumastos nang malaki para gumanda. Narito ang 9 tips na puwedeng gawin ng mga nagnanais maging feeling at looking young.
1. UMINOM NG MARAMING TUBIG. Ang pag-inom ng 8 basong tubig araw-araw ay paraan upang mapanatili ang ating malambot na balat.
2. SAPAT NA ORAS NG PAGTULOG. Ang benepisyo ng pagkakaroon ng sapat na oras ng pagtulog ay naaalis ang mga sobrang likido sa katawan. Kailangan mo ang ‘beauty sleep’ upang hindi magka-eye bags. At para sa mga problemado r’yan, subukang mag-relax bago matulog.
3. IWASANG MA-STRESS. Ika nga nila, “Huwag kang magalit, at tatanda ka agad.” Ang madalas na pagbusangot ay pangit, ‘di ba? Nagsasalubong ang kilay at nakangiwing mga labi. Tumawa ka at ika’y gaganda. Ang pagngiti ay isang natural na paraan ng face lift. Nakapagpa-facelift ka nang walang gastos at nakapagbigay ka pa ng pabor sa iba.
4. GUMAMIT NG SUNBLOCK. Ayon sa dermatologists, ang paggamit ng sunblock ay nakakatulong upang ‘di masunog ang ating mukha. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot din ito ng freckles at posibleng magka-skin cancer dahil sa UV light. Iwasan ang labis na oras ng paglantad ng balat sa sikat ng araw. Ang ilang minuto ay sapat na para makuha ang bitaminang kailangan ng katawan mula sa araw.
5. IWASAN ANG MAUUSOK AT MAALIKABOK NA LUGAR. Polusyon ang malaking problema natin, kaya kung may budget, mag-aircon bus ka na lang.
6. IWASANG MANIGARILYO AT UMINOM NG ALAK. Madaling makatanda ang bisyo. Ang paninigarilyo ay mapanganib sa kalusugan. Ang bisyong ito, kasama ng nakagawiang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin ay nakakapagpataas ng tsansa na makapag-develop ng sakit sa baga, atay at cancer.
Ang alak ay isa sa mga nakakapagpakulubot ng ating balat. Samantala, ang usok mula sa paninigarilyo ay nakatatanda naman sa ating mukha.
7. GUMAMIT NG MOISTURIZER. Malaki ang natutulong sa pagpapakinis ng mukha ang moisturizer o lotion. Siguraduhing maghilamos muna ng mukha bago maglagay nito. Hindi naman kailangang bumili ng mamahaling brands, ngunit maging wais sa pagpili dahil nagkalat na ang mga fake products.
8. HEALTHY EATING. Mga pagkain gaya ng sariwang prutas, gulay, isda, at karne na ‘di nilagay sa lata o hinaluan ng anumang kemikal ang sikaping kainin araw-araw. Ang mga processed food ay dapat iwasan hangga’t maaari. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at mga sitsirya.
9. MAG-EXERCISE. Ang paglalakad ang pinakasimpleng uri ng ehersisyo, subalit napaka-epektib. Ang ehersisyong nakapagbibigay, hindi lamang ng malakas na katawan kundi maging matalas na isipan. Kapag energetic ang iyong pagkilos, ang pakiramdam mo ay bata ka pa rin.
Kahit ano pa ang hitsura mo, maging mukhang bata o matanda ka man sa paningin ng iba, ang pinaka-importante ay may tiwala ka sa iyong sarili. Be confident, mga ka-BULGAR!
Okie?
Comments