top of page
Search
BULGAR

Tips para ‘di ma-stress sa mga araw-araw na gawain

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 6, 2020




Feeling mo ba, parang ang dami mo nang ginagawa pero hindi mo man lang nabibigyan ng reward ang iyong sarili? Hindi ka nag-iisa, ang tensiyon ngayon ay nakababahalang maging matinding stress at banta sa kalusugan.


Kapag tayo ay na-stress, hindi tayo gaanong produktibo at wala na halos nagagawa. “Pero habang hindi ko ito kayang kontrolin, may mga paraan para mas maging napakadali na kayanin ito,” ayon kay Christine Loiuse Holbaum, may-akda ng The Power of Slow.


Ang totoo, magsisimula mong maramdaman, produktibo at relaks ngayon. ‘Yan ay kung simple kang:

1. MAY KONTROL KAPAG SUMAGOT NG “FINE”. Sa isang survey, 82% ang nagsabi na lagi sila o minsan ay tumutugon sa mga nagtatanong ng, “Kumusta ka?” Pero ang isasagot ay “Busy” imbes na “Fine!” ani Holbaum, kaya naman ‘yan ang problema, bakit? Ang uri na ito ng berbal na “stress response” ang naghahatid ng tensiyon na higit na lumalaki ang tensiyon, habang nababawasan ang abilidad na lunasan ito.

Para hindi ma-stress, manatili sa sagot na “Fine!” o kaya ay “Mabuti naman!” Pareho itong magbibigay sa iyo ng magandang mood, gaganda ang pakiramdam at hindi tensiyunado, mas aktibo ka pa.

2. DAGDAGAN ANG SIGLA KUNG GAGANTIMPALAAN ANG SARILI. Basta alam mong may naghihintay sa iyo na mga gantimpala pagkatapos ng buong araw, higit na madali para sa iyo ang gagawin. Para hindi ka ma-stress sa ganitong sitwasyon, pangakuan ang sarili na bibili ng paboritong aklat, manonood ng paboritong pelikula o mage-ehersisyo. Anuman ang gusto mong gawin na ayon sa ikaliligaya ng iyong loob sa buong araw o linggo, sige lang, gawin mo. Alam mo namang napakabilis ng panahon.

3. TAPUSIN ANG TRABAHO AT MAGTAKDA NG DEADLINE. Habang kumpleto ka sa lahat ng bagay tulad ng paggamit ng cellphone, laptop at iba pang gadgets ay posibleng maiuwi mo ang lahat ng trabaho kahit na wala ka sa opisina. Bilang resulta, kahit nasa bahay ka ay tensiyunado ka pa rin dahil kahit trabaho sa opisina ay dinadala mo pa rin pauwi, kaya naman ang walang kapahingahang tensiyon ay nagiging mahirap para sa iyo na makapagpahinga at mamotiba para sa susunod pang mahahalagang gawain. Para hindi ka ma-stress, magtakda ng oras, puwedeng alas-5:00 ng hapon o alas-9:00 ng gabi na hihinto ka na araw-araw at saka ka na magpahinga. At muli, para sa susunod na araw ay itakda mo naman ang listahan ng mga gagawin nang nasa oras naman ang iyong mga plano. Tiyak na makakatulog kang mabuti, refreshed at ready na naman sa mga gagawin.

4. ISIPIN ANG MGA GAGAWIN PERO HINAY-HINAY LANG. Sa maniwala ka o hindi, higit kang maraming magagawa kung susundin ang payong ito. Kapag may isa kang bagay na dapat gawin, magdahan-dahan lang. ‘Yan ay para habang ginagawa mo ito ay magkakaroon ng sapat na espasyo ang mga ideya sa isipan, makapag-isip nang malinaw at hindi magkamali dahil sa pagmamadali, ani Michael Neil, may-akda ng Super Coach. Mas mainam at epektibo ito nang mag-coach siya ng mga kliyente sa time-management. Para hindi ka ma-stress, sa isang pirasong papel, isulat ang isang bagay na gusto mong gawin matapos ang araw na ‘yun. Unahin ang dapat umpisahang gawin at saka na isunod ang iba pa kapag nakumpleto na nang husto ang una.

5. LINANGIN ANG PAGKAMALIKHAIN KUNG GAGAWIN ANG “MA” MOMENT. Ang mga Hapones ay may konsepto na ‘Ma’ o ilang minuto na walang gagawin sa pagitan ng mga tutuparin, kaya ang siste ay magpapaaktibo sa iyo kung ano ang susunod, ani Holbaum. Ipinakita sa research na habang matalino itong ginagawa, umiibayo ang stress hormone na cortisol at ang problem-solving skills. Para ‘di ka ma-stress, maglaan ng 5 minutong pagtitig sa labas at makinig ng musika. Sanayin ito at makalilikha ng respondeng awtomatikong hindi ka masyadong tensiyunado sa susunod mong mga gagawin.

Kapag stressed ka, kumain ng mani dahi ang Omega-3 fatty acids na taglay nito ay nagpapaibayo sa kilos ng utak at higit na gumaganda ang iyong pakiramdam at magiging mautak ka.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page