top of page
Search

Tips para ‘di feeling lonely ang solo travel

BULGAR

ni Jersy L. Sanchez @Life & Style | May 14, 2023




Bakasyon season ngayon dahil perfect ang summer season para sulitin ang pagta-travel, kasama man natin ang ating friends o family, o solo travel.


Usung-uso ngayon ang solo travelling dahil bukod sa tipid ay malaya mong magagawa ang mga gusto mo. Pero for sure, may ilang hesitant na gawin ito dahil takot makisalamuha sa ibang tao o mag-explore, habang may mga game na game naman dahil magandang paraan ito para mas makilala ang sarili habang nasa isang bagong environment.


Pero ang tanong, hindi ba lonely ang solo traveling? Don’t worry dahil we got you, beshie!


Narito ang ilang tips para hindi ka feeling lonely at masulit ang iyong solo travel:


1. HOSTEL PARA SA ACCOMMODATION. Isa sa mga mahirap desisyunan ay ang accommodation, lalo na kung ikaw ay solo traveler. Bagama’t ang iba ay mas gustong mag-stay sa luxury hotel room, may iba namang oks na sa hostel kung kailangan lamang nila ng matutuluyan sa gabi at kung nagtitipid. Pero sa true lang, ang hostel stay ay magandang paraan para makakilala rin ng iba pang travelers na posibleng solo ring nagta-travel.


2. MAG-EXPLORE. Anumang klase ng accommodation ang in-avail mo – hotel o hostel – iwasang mag-stay lang dito buong araw. Lumabas at mag-explore kahit hindi ka pamilyar sa environment dahil sa ganitong paraan, hindi mo mararamdaman na mag-isa ka dahil sa mga lokal o sa mga kapwa mo traveler.

3. GUMAWA NG ITINERARY. Paano? Sa tulong ng social media, madali kang makakagawa ng itinerary sa pamamagitan ng mga local Facebook groups na may mga meet-up para sa mga tao na posibleng kapareho mo ng interes. Gayundin, puwedeng mag-search ng hashtag tungkol sa mga aktibidad na patok sa iyong destinasyon. Kung plano mong makipag-meet sa mga kapwa turista o lokal, paalala lang na mag-ingat sa pagbabahagi ng iyong mga impormasyon dahil in the end, hindi mo pa personal na kilala ang iyong mga mami-meet na tao.

4. ALONE TIME. Para sa iba, ang solo travel ay isang form of self-care dahil nagagawa nila ang mga gusto nila nang malaya. Bilang halimbawa, puwede mong i-treat ang iyong sarili sa isang mamahaling dinner para mas ma-feel mo ang iyong bakasyon at alam mong relaxed ka.

5. MAKIPAG-BONDING SA MGA LOKAL. Para sa iba, hindi madaling makisalamuha sa mga kapwa turista, pero ayon sa mga travel experts, ang pinakamagandang paraan para ma-experience ang isang lugar ay ang makipag-usap o makisama sa mga lokal. Paano? Simulan sa pamimili sa local stores at makipagtsikahan sa mga kapwa mamimili o sa may-ari ng tindahan.

6. MAG-INGAT. Sa lahat ng pagkakataon, solo travel man o may kasama ka, tiyaking alam ng iyong mga mahal sa buhay kung nasaan ka. Bago bumiyahe, puwede mong i-share sa loved ones mo ang iyong itinerary at panatilihing nakabukas ang live location ng iyong mobile phone. Gayundin, make sure na may dala kang battery pack o charger sa lahat ng pagkakataon. Puwede ring mag-download ng offline map na puwede mong ma-access anytime.


So, ano pa ang hinihintay mo, besh? Habang summer, make sure na lalabas ka sa iyong comfort zone at subukang mag-solo travel.


Maraming paraan para ma-enjoy ang iyong biyahe, pero bago ang lahat, planuhing mabuti ang iyong trip at tiyaking mako-contact ka ng iyong mga mahal sa buhay anytime.


Sana’y nakatulong ang mga tips na ito para sa iyong travel. Enjoy, ka-BULGAR!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page