top of page
Search
BULGAR

Tips kontra singaw

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | April 21, 2021



Dear Doc Shane, Palagi akong nagkakaroon ng singaw kahit wala naman akong sirang ngipin at wala ring brace kaya nagtataka ako kung bakit hindi nawawala ang aking mga singaw, magkakaroon ako nito tapos mawawala rin in 2 weeks time tapos babalik makalipas ang ilang linggo. Wala akong iginagamot, gargle lang ng mouthwash. Ano ba ang pinagmumulan nito? – Belen


Sagot

Hindi tiyak kung saan nanggagaling ang singaw, ngunit sinasabing baka sa sobrang stress at kakulangan sa bitamina ang madalas na sanhi nito, bukod sa nabanggit ay ang pagsusugat ng labi o dila, halimbawa ay aksidenteng napaso ito ng may mainom na sobrang init na bagay tulad ng kape o sabaw o nakagat ang dila at kung may braces ang mga ngipin.


Kung inyong napapansin kapag may singaw, mahapdi ito lalo na kapag may nakain tayong maasim tulad ng pinya, mangga, kalamansi at suka kaya dapat iwasan ang mga ito.

Makatutulong para sa singaw ang pag-inom ng Vitamin C at may ipinapahid na nagdudulot ng malaking ginhawa, ito ‘yung solcoseryl dental paste at may iba pang brand para sa mouth sore o ulcer na mabibili sa botika. Ito ay ipinapahid ng tatlo hanggang limang beses sa bahagi na may mga singaw. Siyempre, kailangang panatilihing malinis ang bibig sa pamamagitan ng pagsesepilyo tatlong beses sa isang araw at ang pagmumumog ng anumang mouthwash para makatulong na mapuksa ang bakterya sa bibig.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page