top of page
Search
BULGAR

Tipid pa more? Read mo ‘to!... Tips kung balak magkulay ng buhok sa bahay

ni Jersy Sanchez - @No Problem| January 3, 2021




Sa sobrang bored ng iba sa atin dahil sa community quarantine, lahat yata ng trip ay nagawa na natin. Mula sa pagbe-bake at pagluluto, pag-aalaga ng halaman at pagdiskubre ng iba pang hobbies, mayroon na ring nag-DIY (do-it-yourself) sa pagkukulay ng buhok.


‘Yung iba naman, takot magpa-salon dahil sa pandemic, pero ‘yung iba ay sadyang nagtitipid lang. Gayunman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay oks ang resulta nito dahil ‘yung iba ay first time mag-DIY, kaya para sa mga beshies natin d’yan na nagbabalak magkulay ng buhok sa bahay, narito ang ilang tips para sa inyo:


Bago ang lahat, kailangan mo ng:

  • Salamin

  • Gloves

  • Petroleum jelly

  • Clips

  • Plastic mixing bowl at brush applicator

  • Lumang t-shirt o tela


  1. PATCH TEST. Para matiyak na safe para sa iyo ang gagamiting hair dye, gawin ang patch test. Paano? Maglagay ng kaunting pangkulay sa leeg at ibabad ng ilang minuto, at ‘pag nag-react ang balat, pass muna.

  2. BRUSH OFF. Kung oks ka sa pangkulay na gagamitin, it’s time para magsuklay at matiyak na walang buhol na hair strands, gayundin upang matiyak na walang ibang hair product sa buhok para sure na kumapit ang pangkulay.

  3. BASAHIN ANG INSTRUCTIONS. Bawat hair dye ay may instructions, kaya basahing mabuti ang mga ito. Gayundin, tiyaking masusunod ang oras ng pagbabad ng pangkulay. Kapag sumobra sa sinabing oras ang pagbabad, partikular sa roots, mas magiging light ito kumpara sa ibang hair strands. Gayunman, ‘pag ibinabad ito sa mas maiksing oras, mag-iiba ang resulta nito kumpara sa inaasahang kulay.

  4. IHANDA ANG WORKING AREA. Dahil puwede ring malagyan ng pangkulay ang area kung saan mo balak mag-DIY, magsapin ng scratch papers o lumang diyaryo. Gayundin, tiyaking sapat ang laki ng salamin para makita ang iyong kukulayang buhok.

  5. SAFETY GEARS. May kemikal ang mga hair dye, kaya dapat gumamit ng latex gloves bago pa man timplahin ang pangkulay.Oks ding maglagay ng petroleum jelly sa hair line, paligid ng mga tenga at batok para mas madaling matanggal ang sobrang pankulay. Gumamit din ng lumang t-shirt o tela dahil puwede ma-mantsahan ang suot mong damit.

  6. IHULI ANG ROOTS. Inirerekomenda na huling kulayan ang roots dahil ang heat mula sa scalp o anit ay nagpapabilis ng coloring process. Kung kabaligtaran ang iyong gagawin, mas magiging light ang roots kumpara sa ibang hair strands.


Ayan, mga besh, for sure, makatutulong ang tips na ito sa mga nagbabalak mag-DIY d’yan.


Make sure na susundin n’yo ang mga ito para sa mas maganda at mala-salon na resulta ng inyong DIY hair coloring. Copy?

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page