ni Nitz Miralles @Bida | Jan. 15, 2025
Alam agad ng mga netizens na binigyan ni Willie Revillame ng pera si Rufa Mae Quinto nang magkita sila.
Ang caption kasi ni Rufa Mae sa post niya ng photo nila ni Willie ay, “Thanks for making me happy, Willie. And for the Help Help Hooray. Thanks to myself for visiting Wil to Win.”
Hindi na kailangang manghula ng mga netizens kung magkano ang ibinigay ni Willie dahil si Rufa Mae na ang nagbulgar nito sa kanyang tweet sa X.
Aniya, “Salamat sa 1 million pesos na tulong sa akin, Willie. Isa siya sa mga kaibigan ko
bago pa lang ako nag-showbiz or nag-artista. Nagho-host din ako parati noon sa kanya, kilala ko na si Willie Revillame.”
Kilala si Willie na matulungin sa mga nangangailangan at alam daw nito na kailangan ni Rufa Mae ng financial help dahil sa kasong kinakaharap nito.
Naalala ng mga netizens si Vhong Navarro na binigyan ni Willie ng 1M nang maospital dahil nabugbog. May showbiz icon din na binigyan ni Willie ng P4M nang magkasakit at marami pa siyang natulungan at tinulungan.
Nag-post lang si Lovi Poe sa kanyang Instagram (IG) ng reels ng part ng Los Angeles, California na nasusunog at may choppers na nagsasabog ng retardant para matigil ang apoy o hindi na mag-spread, nega na ang tingin sa kanya ng mga bashers.
Sa post na ‘yun ni Lovi, ang caption niya ay: “The fires have hit LA hard, and it’s tough seeing so much loss. I’ve been watching the sky and hearing helicopters flying back and forth... In times of devastation, like the one we’re witnessing, it’s hard to find the right word.
“Though the road ahead is tough, the community is coming together—helping, supporting, and showing up for one another. It’s a reminder that even in the hardest times, we’re never alone. Even in the darkest times, the city will rebuild and shine again, stronger than before.”
Nabasa ng mga kaibigan ni Lovi ang kanyang post at pinag-iingat siya o silang mag-asawa. May nagpayo pa sa kanya na maging safe at handa, at may nagsabi ring “Don’t breathe the air.”
May mga nagpayo namang umalis muna sila sa Los Angeles para maiwasang makalanghap ng usok.
Pero ang iba, parang sinisi pa si Lovi for her unnecessary post daw. Tinawag pang clout chaser ang aktres and after the likes lang daw ang kanyang post.
To the rescue agad ang mga fans ni Lovi at ipinaalala sa mga bashers na optimistic ang message ng post, walang masama.
Ipinaalam din ng mga fans ni Lovi sa mga bashers ng aktres na based in LA na si Lovi with her husband at may karapatan siyang mag-post sa nangyayaring malaking sunog doon.
Mukhang malayo naman kina Lovi ang sunog, but for sure, naghahanda rin sila na baka pati lugar nila ay maabot ng apoy.
MAY ilang Kapamilya stars sa cast ng Lolong: Bayani ng Bayan (LBNB) at kasama sila sa 50 cast members.
Pero, sabi ni Jean Garcia, nothing to worry dahil kahit marami sila, distributed ang mga eksena at ginawa ng mga writers at nina Directors Rommel Penesa at King Marc Baco na lahat sila, may moment at hindi lang sila dadaanan ng camera o kaya’y makikita sa background na naglalakad lang.
Kabilang sa mga Kapamilya stars na kasama sa cast sina John Arcilla, Jan Marini, Gerard Pizarras, Boom Labrusca, at Nikki Valdez. Magaganda ang kanilang role at exposure, kaya panay ang pasasalamat nila sa GMA Public Affairs.
Bilib lang kami kay Boom dahil sa mediacon, naririnig ng mga director, ni Ruru Madrid at ng mga taga-GMA Public Affairs ang sinabi niyang sana ay isama siya kung magkaka-Book 3 pa ang action series.
“Thank you, GMA Public Affairs, sa lahat ng mga bida na nakatrabaho ko, si Ruru, sobrang bait, sobrang totoong tao, ang gaan-gaang mag-taping. Sa mga director, thank you. Sa lahat ng project ni Ruru, sana, isama n’yo ako, kahit umabot pa ang Lolong ng Book 5, sana, isama n’yo ako,” wika ni Boom.
At least, nagpakatotoo si Boom at open ang panawagan na muli siyang magka-project. At hindi lang siguro with Ruru, baka pati sa ibang shows ng GMA-7.
Ang anak niyang si Tony Labrusca, nasa GMA-7 na rin at kasama sa cast ng Binibining Marikit (BM) bilang isa sa love interest ni Herlene Budol.
Comments