top of page
Search
  • BULGAR

Tinulungan kuno siyang i-plaster ang 'manoy'… AHRON, KUMANTANG HINIPUAN NI DIREK

ni Beth Gelena @Bulgary| August 27, 2024



Showbiz News
Photo: Ahron Villena

Usap-usapan ngayon sa social media ang cryptic post ni Ahron Villena sa kanyang Instagram (IG) story.


Ayon kay Ahron, may direktor umano na nag-insist na siya ang maglagay ng plaster para sa isang eksena na ginawa niya. 


Maraming netizens ang nag-aabang kung sino ang tinutukoy na direktor ni Ahron sa kanyang post.


Ani Ahron, “Nagsalita pala ‘tong direktor na ‘to na matagal na raw nangyayari ‘yung mga ganu’ng scenario? Eh, kung sabihin ko kaya na isa ako du’n sa artistang na-exploit at ikaw 'yun!”


Ibinahagi pa niya ang insidente kung saan kinakailangan niyang mag-plaster para sa isang eksena. 


Ayon sa kanya, habang siya ay tinutulungan na ng isang miyembro ng production team, bigla umanong pumasok ang direktor sa CR at pinaalis ang tumutulong sa kanya. 


“Wala namang problema sa ‘kin pero ilang beses mo tinatamaan at dinidikit ‘yung kamay mo,” pagbubulgar pa ng aktor. 


Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang tinutukoy na direktor sa post ni Ahron Villena.


 

Naglalaro pala si Daniel Padilla sa Next Generation Basketball League under Colegio de San Juan de Letran. 


Nanalo ang team nila laban sa Far Eastern University-Diliman on an overtime basis.

The reigning NCAA high school champions etched an 83-82 victory during their Sunday morning face-off at the Tanduay Gym in Manila. 


Nakaiskor ang actor ng 16 points, five rebounds, two assists, and a steal.


Samantala, aside sa sports na pinagkakaabalahan ng aktor, busy na rin siya sa seryeng pagsasamahan nila ni Richard Gutierrez. Ang dami na ngang naghihintay sa pagbabalik ni Daniel sa showbiz.


Katunayan, naka-post na sa kanyang Instagram (IG) ang title ng pagsasamahan nila ni Richard, ang Incognito na tila action series.


May nagkomento nga na, “Tang***, ito ang roots ng isang Padilla, action talaga.

“Daniel Padilla’s long awaited action movie he was born to do! His career will sore (sic: soar) so high.”


 

MATAGAL na ang relasyon nina Jane Oineza at RK Bagatsing kaya’t marami ang nagtatanong kung ano ang mga plano nila bilang couple.  


Sa panayam sa lovely couple, tinapat ng aktres na sa ngayon daw ay nakatuon pa rin siya sa kanyang career. 


Sabi naman ni RK, hindi naman daw sila nagmamadali. Sa ngayon, marami pa raw silang gustong gawin at may mga proyekto pang dapat tapusin. 


Ine-enjoy din daw nila nang husto ang kanilang relasyon at hindi naman daw sila nagkakaproblema dahil give and take sila. 


Ang nagustuhan umano ni RK kay Jane ay ang magandang ugali ng aktres. 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page