ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 17, 2024
Photo: Kiko Pangilinan, Sharon Cuneta, Pres. Bongbong at Liza Marcos - IG
Isa sa mga pinag-usapan sa naganap na Konsiyerto sa Palasyo na pa-event nina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza ay ang chummy-chummy photos nila with Sharon Cuneta at asawa nitong si Kiko Pangilinan.
May mga very loyal pa ring "Kakampink" na hindi matanggap ang tinawag pa nilang "kaplastikan sa pulitika" na pangyayari among the involved personalities.
Mayroon namang natutuwa na kahit paano raw ay nakita nila ang effort ng bawat magkatunggali sa pulitika dati na magkaisa para sa ngalan ng 50th MMFF.
But then again, may mga nang-iintriga kina Mega at Kiko na wala naman daw entry sa festival si Sharon kaya't bakit need pa nitong mag-display sa event at makipag-eklayan sa mga dating "kalaban" nila sa pulitika last elections?
Well, that's politics in the Philippines. May bago pa ba sa mga ganyang eksena?
Kahit Lasalista…
OGIE AT REGINE, TODO-SUPORTA SA UP MAROONS LABAN SA LA SALLE ARCHERS
Nasa Araneta Coliseum naman kami last Sunday evening para sa 87th UAAP men's basketball championship na napanalunan nga ng mahal naming UP Maroons laban sa La Salle Archers.
First time naming nanood nang nakatayo sa buong laro dahil literal na walang ticket na naibigay sa amin ang mga VIP contacts namin from Araneta, hahaha!
Imagine, sa tinagal-tagal na namin sa mundo ng sports at naging opisyal pa kami dati sa Araneta, ha, pero ‘yung free access lang na makapasok ang nakuha naming benefit to enjoy the game.
Maraming mga celebrities ang nanood, mga pulitiko, beauty queens, artista, supporters at mga who's who sa negosyo na kapwa magkakalaban-magkakampi that time.
May mga nang-intriga kay pareng Ogie Alcasid na noon pa ma'y tatak-La Salle na dahil graduate rin siya roon at naging famous member ng Kundirana. Bukod kasi sa kasama niya ang asawang si Regine Velasquez, kapwa pa sila nakasuot ng UP Maroons shirt at nasa kampo nga ng UP.
For the record din po, alumnus din po si Ogie sa UP bilang Masscomm graduate ito at naging active ding member ng Alumni Association. Ang duda pa nga namin, silent sponsor ito ng Maroons, hahaha!
May mga nag-chika namang napikon daw si San Juan Mayor Francis Zamora sa mga kumantiyaw dito bilang pulitiko. Dating basketball player ng La Salle si Mayor Zamora.
May mga beauty queens namang kasama ng ilan pa ring pulitiko na ginawang date event ang basketball game.
May mga naghanap naman kina Joshua Garcia at Andrea Brillantes na namataan noong game 2 na magkasama.
Sinusuportahan ni Andrea ang UP dahil feel niyang dito mag-aral. May mga bumati naman kay Valerie Concepcion na gumradweyt with honors from UP Masscomm.
‘Yung mga bigtime na bosses from the business sector gaya ni Sir MVP (Manny V. Pangilinan) at iba pang big sponsors ay talaga namang intense ang participation sa laro.
Basta, nag-enjoy kami nang todo kahit nakakangarag mabingi sa mga sigawan at palakpakan.
Congrats sa parehong UP Maroons at La Salle Archers!
Grabe rin ang naging kantiyawan ng mga ka-ATIN sa socmed dahil kinabog nga ng Tropang Pablo ang Stellbound sa katatapos lang na The Voice Kids grand finals.
Tinanghal na biggest winner si Nevin Garceniego (Tropang Pablo) na pinahanga talaga ang lahat at kinabog ang mga panlaban nina Billy Crawford (team Bilib), Julie Anne San Jose (Julesquad) at Stell (Stellbound) na sina Wincess Jem Yana, Makmak Punay at Jan Hebron Ecal respectively.
Matatandaang laging trending ang bardagulan ng SB19 coaches na sina Stell at Pablo during the eliminations kaya't aliw na aliw ang mga tao sa kanila at sa show.
At nito ngang nakuha ni Pablo ang kauna-unahang championship niya sa The Voice Kids bilang first-time coach na nasa ika-anim na season na sa Pilipinas, todo-kantiyaw ang inabot ni Stell from their supporters dahil last year pa nga siya nag-umpisa, hahaha!
Congrats po!
תגובות