top of page
Search

Never daw inisip na mapapasama sa most wanted sa ‘Pinas… “TINAWAG AKONG MAGNANAKAW, MANLOLOKO AT SCAMMER” — NERI

BULGAR

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 23, 2025



Photo: Neri Miranda - IG


Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang makulong, makasuhan at makalaya, binasag na ni Neri Naig-Miranda ang kanyang katahimikan hinggil sa aniya’y bangungot at kahihiyang nangyari sa kanyang buhay.


Sa kanyang latest Instagram post ay ipinahayag ng dating aktres ang kanyang panig sa buong pangyayari.


“Hindi ko talaga inakala na mapapasama ako sa Most Wanted sa Pilipinas…” bungad ni Neri.


“Tinawag akong magnanakaw, manloloko, at scammer.


“Never naman akong nagtago. Palagi nga akong nasa palengke, sa mga talks, at kahit saan pa—I have always been visible, hindi lang sa social media.


“I know many of you are waiting for me to tell my side of the story. When the time is right, I will. O kung kailangan pa bang ikuwento ang lahat—mula sa pagdakip sa akin, sa kahihiyan, sa pagkaka-detain, at sa agarang paglipat sa BJMP, kung saan dali-dali akong pinasuot ng yellow uniform.


“But for now, let me just say this: It was a nightmare. Isang pagsubok at bangungot na hindi ko kailanman malilimutan,” pahayag ng misis ni Chito Miranda.


Bagama’t hinusgahan daw siya ng marami, pinagtawanan, tinawag ng kung anu-ano, nagpapasalamat pa rin si Neri na may mga tao pa ring nanindigan at nagtanggol sa kanya.


“Sa kabila ng lahat—the labels, the ridicule, the judgment—I chose silence. Because I’ve learned that when we are in pain, it’s easy to say things we don’t mean. Pero hindi ako ‘yun. I refuse to let anger or hurt define me. 


“Some celebrated my lowest point, ginawa pa akong content para pagkakitaan. They judged me, questioned me, and discredited my hard work.


“But there were those who stood by me, defended me, and lifted me up without asking for anything in return—I see you, I appreciate you, and I hope one day, I can do the same for you.


“Sa lahat ng naniwala, sumuporta, at nagdasal para sa amin, maraming-maraming salamat po!


“To those who felt even the smallest impact of our kindness, thank you. You remind me that goodness still exists in the world,” pahayag ni Neri.


“I always tell my kids: The best investment in life is kindness. Hindi mo agad-agad makikita ang balik, pero darating at darating ito sa tamang panahon. Minsan, pakiramdam natin, hindi tayo pinapansin ni Lord kasi sunud-sunod ang pagsubok. Pero minsan, He’s just busy fixing things behind the scenes.


“And in every storm, He sends His Army of Angels. This time, kayo ‘yun. Maraming-maraming salamat sa inyong pagmamahal, suporta, at panalangin. Hindi ko ito malilimutan....” pagpapasalamat pa ni Neri.


And of course, hindi nakalimutang pasalamatan ng dating aktres ang mister niya na talaga raw hindi siya iniwan since day 1.


“At sa asawa ko, ang hero ng buhay ko—NEVER mo akong iniwan since day one. It was a rollercoaster of emotions, at sobrang kapit ko sa ‘yo dahil bagsak na bagsak ako. Pero ‘yung pagmamahal mo, ‘yun ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Hindi ka sumuko at umuwi hangga’t hindi mo ako kasamang umuwi sa mga bata.


“Sabi mo, mababait pa rin ang mga tao, kahit hindi ko iyon makita sa mga panahon na ‘yun. Life moves forward, and so will we,” mensahe ni Neri kay Chito.


Sa huli ay muling nilinaw ng dating Kapamilya actress na never siyang nanloko ng tao or nagnakaw. Sinigurado rin niyang unti-unti siyang babangon mula sa kanyang pagkakadapa. 


“Hindi man ako naging Wais sa sitwasyong ito, pero kailanman, never ako nanloko, nanlamang, or nagnakaw sa kahit sino. At sa pagdapa ko, unti-unti akong babangon—at makikita ang lesson na gustong ipakita ni Lord sa akin. Your Most Wanted Wais na Misis, Neri Miranda,” pagtatapos niya.


Matatatandaang inaresto si Neri sa bisa ng warrant of arrest noong November, 2024 at kinasuhan ng syndicated estafa and violations of the Securities Regulation Code. Nakalaya ang aktres noong Disyembre at nitong nakaraang Enero ay lumabas ang resolusyon ng Pasay City RTC Branch 111 na idini-dismiss na ang reklamong violations of the Securities Regulation Code.


Noong Pebrero naman ay ibinasura na rin ng Pasay City RTC Branch 112 ang kasong syndicated estafa laban kay Neri dahil wala raw sapat na ebidensiya ang mga naturang charges.     


 

NAG-REACT si Isabelle Daza sa kumakalat na tsika tungkol sa kanyang pagpayat.

Nagsimula ang mga malisyosong espekulasyon tungkol sa kanya nang mag-guest siya sa Eat… Bulaga! last Wednesday kung saan ay naging kapansin-pansin ang kanyang pagpayat.


Nagkaroon agad ng iba’t ibang reaksiyon ang mga netizens kung bakit madali niyang na-achieve ang fit na pangangatawan niya to the point na may nag-speculate na nag-take siya ng Ozempic, isang gamot para sa diabetes subalit ginagamit din umano ng iba para pumayat.


Sa kanyang Instagram account ay ipinost ng aktres ang screenshot ng ilan sa mga natanggap niyang komento.


Sa kanyang caption ay idinaan na lang sa biro ng celebrity mom ang reaksiyon sa mga tsismis.


“I’ve reached my goal weight = Ozempic accusations,” sey ni Isabelle.

Makikita rin naman sa mga komento ng mga netizens na ipinost ni Isabelle na hindi naniniwala ang iba sa akusasyon.


“Can ppl (people) stop assuming na naka-Ozempic agad ang isang tao kasi pumayat? Girl, hindi ba puwedeng nagda-diet lang ‘yung tao at may active lifestyle?” pagtatanggol ng isang netizen.


Nagkomento rin ang ibang celebrity friends ni Isabelle bilang suporta sa kanya.

Komento ni Drew Arellano, “OLEMPIC.”


Sey naman ng mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff, “Congrats!”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page