top of page
Search
  • BULGAR

Tinapat na ng doktor na 'di maganda ang lagay…DEBORAH, MAY PNEUMONIA NA, MAY MGA BUKOL PA

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 21, 2024



Showbiz news

Alam naman ng marami na nadisgrasya ang aktres na si Deborah Sun habang kinukunan ang mga eksena niya noon sa Ang Probinsyano na TV series ni Coco Martin.


Bumagsak ang buo niyang katawan pati mukha dahil nawalan siya ng panimbang habang ginagawa ang eksena niya, at agad itong dinala sa ospital ng production team ni Coco. 


In fairness kay Coco at sa production team nito, tumulong naman sila sa mga gastos sa ospital at mga gamot ni Deborah. Kaya lang ay matatagalan pa ang pagpapagamot ng aktres dahil marami raw kumplikasyon na nangyari. 


Just recently ay nag-chat kay yours truly si Deborah upang magbigay ng ilang detalye sa kanyang kalagayan sa ngayon.


“Nasa University of Santo Tomas (UST) hospital ako, kapatid, mula pa Monday night. Naka-confine ako ngayon dito, na-endoscopy and colonoscopy na ako then may nakita raw na ‘di maganda, may mga maliliit na bukol daw na need operahan kasi if not, possible na mag-lead into cancer daw.” 


Tapos, nagre-request na siya na magpa-transfer sa Philippine General Hospital (PGH) or East Avenue para puwedeng makahingi ng Guarantee Letter (GL), pero ang sabi ng doctor, kailangan muna siyang i-CT scan before siya i-transfer. 


Tapos kahapon, nu’ng dapat na isi-CT scan na siya, hindi naituloy dahil natakot siya. 

Regarding sa small lumps na nakita sa dulo ng large intestine niya na leading to small intestine ay itse-check pa raw ito at 5-7 days pa ang hihintayin before makuha ang results.


Pahayag ni Deborah, “Kausap ko kahapon ang doctor ko galing dito sa room. Sabi sa ‘kin, 'Diretsuhin na kita, hindi maganda ang lagay ng bukol mo. Kailangang ma-CT scan ka para makita ang result ng biopsy mo. Du’n sa biopsy mo, makikita natin kung cancer na ‘yan,' ‘yan ang sabi ng doctor ko.


“Ayaw pa 'kong palabasin, kasi meron din akong pneumonia.”

Well, dalangin namin ay mapagaling ng kanyang mga doctor si Deborah Sun at sana rin ay tuluy-tuloy ang pagtulong sa kanya ni Coco at ng production team of Ang Probinsyano para gumaling nang tuluyan ang aktres sooner than soon.


NAGING mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na Pamilya Sagrado na nakakuha ng 443,269 peak live concurrent views sa Kapamilya Online Live at trending din sa social media para sa pilot episode nito nu’ng Lunes (Hunyo 17).


Pasabog agad ang unang episode, kung saan ipinakita ang mainit na komprontasyon nina Moises at Justin (Kyle at Grae) na nauwi rin sa pagiging magkaibigan ng dalawa.

Ipinakilala na rin sa mga manonood ang karakter ni Piolo Pascual na si Rafael Sagrado, ang ama ni Justin na maraming itinatagong baho sa kabila ng kagalang-galang na imahe nito.


Sa social media, pinuri ng mga netizens ang serye para sa pangmalakasang akting na ipinamalas ng cast at sa nakakapangilabot na kuwento na may temang pulitika at pagiging parte ng isang fraternity.


Sey ng mga netizens…


“@piolopascual_ph finally graces us with his presence. This brief scene alone shows how affluent and respected the good governor is with his “gift” of Tikoy. The direction, writing, and music make this show feel like a classic political thriller.” 


“Love how layered Justin Sagrado's character is. There’s goodness (w/ his parents), there’s darkness (frat pinuno), the confused, lost and terrified boy (w/ his grandpa), then there’s him, the dreamer. Grae Fernandez captured Justin so beautifully.” 


“Moises takes us on a roller coaster of emotions, making us smile, cry, and feel inspired. I also loved his dynamics with Kelvin and Grace.”


Panoorin ang matinding mga rebelasyon sa Pamilya Sagrado sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page