ni Ambet Nabus @Let's See | May 24, 2024
As expected, may mga achururot na kuda ang mga beaucon fans sa naging resulta ng katatapos lang na Miss Universe Philippines (MUP).
Kesyo lutong makaw, kesyo ininsulto ang mga beauty queens na may international winnings na, kesyo laging inililigwak ng MUP ang mga kandidatang galing sa Binibining Pilipinas, etc..
Paano ba naman kasi, talagang unexpected na isang dark horse at hindi pinag-uusapang delegate ang nagwagi. Kinabog talaga ni Bulacan delegate Chelsea Manalo ang mga beauty queens na beterana at mga may record nang nanalo sa mga international pageants.
Tinalo ni Chelsea ang heavy favorite na si Athisa Manalo ng Quezon Province na nanalo ng first runner-up sa Miss International, at si Christy Mcgarry na first runner-up na rin sa Miss Intercontinental.
Kinabog din niya ang iba pang mga beterana na inasahan ding rarampa sa panalo, pero na-Lotlot (read: talo) nga.
First runner-up winner ang taga-Cainta na si Stacey Gabriel, second runner-up nga si Athisa, third runner-up si Ms. Baguio Tara Valencia at fourth runner-up si Christy Mcgarry.
Na-appoint namang mag-represent ng bansa sina Athisa (Miss Cosmo Philippines), Tara Valencia (Miss Supranational Philippines), at Top 10 finishers Alexie Brooks of Iloilo (Miss Eco-International Philippines) at Cyrille Payumo of Pampanga (Miss Charm Philippines).
Sa Mexico gagawin ang Miss Universe 2024 at inaasahang muling dadalhin ni Chelsea Manalo ang Pilipinas sa bonggang placement.
Opmerkingen