ni Angela Fernando - Trainee @News | November 10, 2023
Nakuha mula sa mga dayuhang manggagawa ng POGO hub sa Pasay City na sinasabing sex den, ang mga opisyal na Tax Identification Number (TIN) ID, ayon sa opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngayong Biyernes, Nobyembre 10.
Kumpirmadong opisyal na BIR IDs ang gamit ng mga trabahador base sa beripikasyong ginawa ni Undersecretary Gilberto Cruz sa komisyoner ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Kasalukuyang nag-iimbestiga ang PAOCC kung paanong nakakuha ang mga dayuhan ng TIN ID, dahil isa sa mga proseso nito ay personal na pagpunta sa mga tanggapan ng BIR.
Ipinakita ni Cruz bilang ebidensya ang mga nasamsam na mga ID sa komite habang isinasagawa ang pagdinig.
Bukod sa TIN ID, meron pang ibang mga opisyal na ID ang mga dayuhan na kasalukuyang nasa kustodiya ng PAOCC.
Matatandaang pumutok ang isyu ukol sa POGO hub matapos salakayin ang ilegal nilang establisimyento sa Pasay City na sinasabing pugad ng prostitusy
Commenti