ni Lolet Abania | August 2, 2020
![Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.](https://static.wixstatic.com/media/b16d6f_11d95419011845ecb3078bc4a45d47b5~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/b16d6f_11d95419011845ecb3078bc4a45d47b5~mv2.jpg)
Inanunsiyo ng Archdiocese of Manila na pansamantalang ititigil ang pagsasagawa ng religious activities ang kanilang simbahan at shrines simula August 3 hanggang August 14, ayon kay Apostolic Administrator Broderick Pabillo.
Ito ang naging tugon ng Archdiocese of Manila sa panawagan ng medical community na bumalik tayo sa mas mahigpit na quarantine measures gaya ng dati.
“We share the compassion of our medical front liners for the many sick people being brought to our hospitals," sabi ni Fr. Pabillo sa isang pastoral instruction. "So we support their appeal for a 'time out.'"
Gayunman, magpapatuloy ang online activities, paliwanag pa ni Fr. Pabillo. Binubuo ang Archdiocese ng mga simbahan sa Manila at karatig-probinsiya tulad ng Rizal, Laguna, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Bataan, Zambales at Mindoro.
Kamakailan, hinimok ng health professionals ang gobyerno na magdeklara ng two-week long enhanced community quarantine sa Metro Manila at kalapit na rehiyon, kung saan ang mga health workers ay nahihirapan at nasasagad na dahil sa sobrang pagtaas muli ng covid-19 cases.
Gayundin, nagpahayag ang mga researchers na maraming ospital sa Metro Manila ay posibleng humantong na “overwhelmed” o masagad sa susunod na dalawang linggo kasabay ng patuloy na napupuno ang mga kama at kwarto nito ng mga infected patients.
Ayon sa mga opisyal ng gobyerno, isinumite na nila ang hinaing ng medical community at nagbigay na rin ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, agad namang nagpatawag ng pulong si Pangulong Duterte upang maresolbahan ang kahilingan ng medical community, kagabi. Pinaaaksiyunan na ng Presidente sa IATF ang panawagan ng mga doktor, nurse at iba pang health workers.
Comments