top of page
Search
BULGAR

TikTok, iba-ban sa U.S.

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 15, 2024




Ipinasa ng House of Representatives sa U.S. noong Miyerkules ang bill na naglalayong ipagbawal ang TikTok app sa bansa.


Umani ng malakas na suporta ang Protecting Americans from Foreign Adversary Controlled Applications Act, na nakakuha ng 352 pabor na boto at 65 lamang ang hindi pabor.


Nagbabala ang mga opisyal ng United States na may impluwensya ng gobyerno ng China ang TikTok. Bilang halimbawa, iniiwasan nilang magamit ng China ang app upang makialam sa 2024 U.S. elections, ayon kay Director of National Intelligence Avril Haines.


Kasalukuyang walang katiyakan ang susunod na hakbang na haharapin ng TikTok bill. May ilang mga senador na mas pinipili ang ibang paraan upang kontrolin ang mga foreign-owned apps na nagdudulot ng mga alalahanin sa seguridad.


Binanggit naman ni Senate Majority Leader Chuck Schumer na patuloy na susuriin ng Senado ang batas.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page